Ika-02
ng Marso, 2015
Lunes,
6:02 ng gabi
Paggising ko sa umaga, naiisip ko,
magkikita na naman kami ng mga ‘disturbed’ na bata. Papasok na ulit
ako sa ‘bahay-kalinga’. Sa pananaw ko ang mga paaralan ngayon, lalo na
yung pampubliko, ay di na lang lugar kung saan ang mga bata ay dapat matuto.
Nandito na lahat… lahat-lahat!
Mga matalino, matalinaw… mga may
kaya, kinakaya, walang kaya… malinis, madungis… magalang, walang kamodo-modo…
masayahin, bugnutin… malusog, malnourished…
may magulang, pinabayaan ng magulang… pumapasok para mag-aral, pumapasok para hindi mag-aral… isip bata, mga isip na polluted
ng kaisipang pang matanda… mga batang nagabayan ng tama, mga batang ginabayan
ngunit walang nagagawang tama… mga pumasa, mga pinapasa na lang.
Hindi sa nawawalan ako ng
inspirasyon para magpatuloy sa pagtuturo. Dapat nga itong mga nao-observe ko ang dapat na magbigay lakas
sa akin para ‘go pa rin ng go!’. Pero
hindi kasi ako isang super hero!
Minsan naiinis ako sa mga nakakausap
na magulang na parang wala nang lakas at awtoridad na patinuin ang kanilang mga
anak, “Ewan ko nga sir eh blah blah blah… hindi ko na alam ang gagawin sa
batang yan!” Tinititigan ko na lang sila sa mata. Sa isip ko gusto ko
sanang sabihin, “So ano? Eskwelahan ba
ang papasan ng obligasyon niyo? Kami pa ba? Ako pa ba? Eh bawal nga naming
makanti man lang yang anak ninyo, kasi binibeybi na ang mga bata ngayon!”
Pero sa isip ko lang naman yun. Mamumula na lang ako sa pagtitiis sa saloobin
ko.
Alam ko sa aking sarili na hindi ako pwedeng mag-isip ng ganuon.
Para saan pa na naging guro ako? Para saan pa ang paaralan na pinapasukan ng
mga batang ito?
May mga bata na parang ‘magic’.
Takang-taka ako kung pa’no nakaabot sa level
na ito. Di lubos na nakababasa at nakauunawa. Walang disiplina sa pag-aaral.
Ayoko magtanong kung bakit nakaabot
ang batang ito sa ganitong grade level,
dahil parang sinampal ko na rin yung
sarili ko. Sa amin pa rin naman ang huling tanong… anong ginawa mo?
May mga araw na hindi kaagad ako
nakapagsisimula ng lesson sa isang
klase. Unang-una, naroon yung mga batang tinatawag kong ‘disturbed’… nakakaawa…
pero minsan nakauubos din ng pang-unawa. Sinabihan mo na, pinagsabihan mo na,
pinakiusapan mo na, ‘puto at kutsinta’
ikaw na lang ang mananawa!
Inuunawa ko na lang ang mga batang
ganun. Kasi baka sa loob nila, durog na durog na. Tapus pagagalitan ko pa ba? Ano
na ang mangyayari sa kanila? Sa tingin ko talaga, ang mga batang ganito ay
dapat na wala muna sa klasrum. Unang-una, naiistorbo nila yung mga batang hindi
naman ganuon ka-‘disturbed’. Pero sila na ‘disturbed’ ay dapat sana nasa
counseling para mahilom muna ang nasa loob nila, saka para maihanda muna sila sa
pag-aaral.
Maraming factors kung bakit ganito
na ang mga estudyante sa ngayon. Pwedeng dahil sa mga guro na rin, mga
magulang, media at kung anu-ano pa. Sa paaralan minsan nakakatawa yung ‘Boom
Panes!” saka yung “Eh di Wow!” pero ‘leche flan’ naman, madalas dahil sa mga
ganito, puro kalokohan na ang mga bata kapag kinakausap. Mas updated pa sa mga telenovela at Korean popstars
kaysa mga aralin! Ang babata pa kung ‘kumire’ kala mo may papakain sila pag
nabuntis. Dahil sa bilis at dami ng impormasyon na maibibigay ng internet sa
ngayon, mas marami pa silang alam na porn
sites kaysa mga mga educational sites.
Ang sarap pagsasampalin ng bibig kung makapagmura lalo na mga babae pa naman.
At ang mas malupit sa mga estudyante ngayon ay ikaw pa ang KONTRABIDA sa buhay
nila kapag itinatama mo ang kanilang pag-uugali! Ayokong sumuko sa pagtutuwid
sa kanila, pero ayoko rin ng binabalewala. Ang sakit kaya…
Bahay-kalinga na ngang maituturing
ang paaralan. Sa mga uri pa lang ng estudyante meron sa loob nito, makikinita
mo na ang susunod na sakit at problema ng lipunan. Pero sige, bigyan naman daw ng
‘chance’…
malay mo magbago. Maraming-maraming ‘chance’… malay mo talaga may magbago.
Kahanga-hanga talaga yung mga gurong
nagpapakadakila. At wala pa ako sa ganuong punto. Hindi sa araw-araw ay dakila
kong maituturing ang ginagawa ko. Newbie
pa lang ako eh. Naghahanap pa ako ng inspirasyon at katotohanan mula sa iba
pang mga guro. Minsan iniisip ko yung mga naging teachers ko. Yung mga iniidolo ko. Sana kung paano nila kami
tinuruan noon ng disiplina at tamang pag-uugali ay magawa ko rin ngayon. Mga nagtuturo
pa rin naman sila hanggang ngayon, gusto ko sanang malaman kung ganuon pa rin
ba sila kasigasig na magturo tulad nung dati, dahil kung malalaman ko na pati
sila ay nawawalan na rin ng lakas para magpatuloy sa ganitong lagay o sitwasyon
ng edukasyon sa ngayon, baka mawala na
lang din ako sa napakahirap ngunit napaka-fulfilling na propesyong ito.
Napakadaling magpaka-ideal sa isip. Pero
sa katotohanan, magtatalo lang talaga ang iyong ideal na kaisipan sa reyalidad
na nagaganap. Mamimili ka. Mamimili ka talaga sa dalawa. Mamamatay ka kapag
purong ideal, malulusaw ka rin naman kapag tatanggapin mo ang mga nangyayari ng
ganun-ganun na lang.
Hay… hay naku.
Masaya na akong malaman na normal
lang din akong tao. Ayokong magpaka-super hero.
Hero lang! Lols.
I super feel you!! As in..
TumugonBurahinYung mga sobrang kulit kong mga anak, lagi kong tanong "Bakit ka ba nasa school? Ano bang dahilan mo? Para pahirapan ako? At idamay ang mga kaklase mong gustong matuto? Masaya ka ba na nagagalit ako? Masaya ka ba na paulit-ulit na ganito ang usapan natin? Anong ikukwento mo sa nanay mo? Na pinagalitan kita? Bakit ka nga ulit nasa school?"
Paulit-ulit. Unlimited.
Minsan, ang sarap na papasukin sa school na mga magulang. Hayst...
Hay buhay :)
Burahin*tap at the back*
TumugonBurahinNaisip ko din ang sinasabi mo na hindi kasi ako super hero pero sa ibang sitwasyon naman.
Parang yung kanta lang - "... it's not easy to be me."
BurahinI think there should be a school about parenting, and it should be free kasi most of the assholes who breed are those who really can't afford almost anything in life except alcohol, drugs, nicotine, and stupidity. Alam ko medyo may pagka matapobre ang tono ko, but many of those who are poor came to adulthood without much knowledge about family or parenting, or they simply have the wrong priorities.
TumugonBurahinBut of course, this is just my opinion. Hindi naman lahat ay ganon.
Isang bagay din siguro ay ang mga magulang na walang choice kundi igapang talaga ang pag-aaral ng mga anak kaya trabaho na lang ng trabaho.
I am not a teacher but I am very sympathetic to your cause. Three members of our family are teachers. Pero ewan.
I'm not sure kung magulang ang dapat sisihin o ang nasa awtoridad....
Importante talaga ang maging responsableng mga magulang. Pero minsan di rin natin masabi... kahit matino ang mga magulang naliliko pa rin ng landas ang ilang mga anak. Kaya dapat na lang tayong magtulungan para sa mas mabuting pamayanan (parang kampanya lang lols).
BurahinI'm happy that there are many blogs like yours. Naii-inspire ako na magsulat ng experiences ko rin at ng mga hinaing ko as a teacher. Ako naman sa HS andaming problema. magmula sa batang di makabasa etc and etc. Haay!
TumugonBurahinGo lang! Sulat lang ng sulat :)
Burahin