Lumaktaw sa pangunahing content

About Compliments and Being Stranded. (Maka-title lang ng english, yey!)


Ika-16 ng Marso, 2015
Lunes, 2:38 ng hapon


            “Ikaw lang ata yung nakita kong haggard na kalmado,” walang kaabog-abog na pagsabi sa akin ni Sir C na klasmeyt ko sa subject P habang abala ako sa pag-aayos ng report at pagsulat ng sagot sa mga task sheets.

            “Pwede bang kalmado na lang?” banggit ko sa kanya, sabay dugtong ng tawa kong awkward lols.

            Yung mga moment na ganito, na di mo alam kung compliment ba o inuuyam ka na hahaha. Kahit saan talaga, lumulutang ang ka-haggard-an ko. Hahaha!

            Anyways…

            Dinagdagan pa ng pagkasira ng LRT nung sabado ang kadukhaan ng aking pagkatao. Uwian pa naman.

Hindi na bago ang pagkasira ng mga tren, pero first time kong na-experience ito pati na ang sumalampak sa sahig habang naghihintay sa paasang tren… at ang ending waley.

 Nung napagdesisyunan naming bumaba na lang, ang daming taong naglisawan sa kalsada, akala mo nawalan na ng direksiyon sa buhay hahaha. Kulang na lang humarang na kami sa gitna ng daan para lang makapagpara ng jeep, pero laging puno ang mga jeep! Yung nasusulasok ka na sa usok ng mga sasakyan at sa sigarilyo ng mga smokers, na kung pwede lang isupalpal yung sigarilyo sa kanilang mga bibig ay ginawa ko na hahaha! Bad. Pero mas bad kasi yung buga ka ng buga buti sana kung bumabalik ang usok sa bunganga nila.

Nakakatuwa nung nakahanap na kami ng jeep na masasakyan sa tulong ni kuyang kumukumpas sa kalsada. Halos lumakad na kami pabalik sa aming pinanggalingan para lang makapag-abang ng sasakyan. Dun ko nasaksihan na tayo pala ay may lahing ninja hahaha. Da best kung umentra ang mga pasahero sa jeep – juma-jump ang peg, ala-beast mode ang mga pasahero. Yun nga lang tumira na kami sa loob ng jeep sa sobrang tagal, bagal at trapik!

Na pag-uwi mo ay a-attend ka pa ng JS. Kaya kaunting pa-fresh at go pa rin… at ang pinakamasayang parte sa lahat ay yung pagdating mo sa skul ay palabas na ang mga dumalo sa prom… at least nakapunta pa rin ako, I’m so proud hahaha!


Ang mga nagpapanggap na 'fresh' habang stranded sa D. Jose -
ako, Neri, Clang at Eldie.


Mga Komento

  1. Naalala ko ang mga sitwasyong naglalakad ako sa Taft Ave. para lang makauwi. LRT person din ako since I worked around Abad Santos, attend university along Taft, and live in between. Hayaan mo lalaki ang mga binti mo sa kalalakad, sasakit ang balakang mo sa tagal ng pagkakaupo, at mababaliw ka sa sigarilyo at usok. Kaya pag tuntong mo ng 30, feeling 25 pero mukha ka nang 50.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Di nga po lumalaki ang aking mga binti, mas lalo lang pumapayat sa pagiging haggard :)
      Ayoko mangyari yang sinasabi mo sir Jo, "feeling 25 pero mukha ka nang 50" hahaha, napakasaklap naman lols :)

      Burahin
  2. Bongga sa calmness! Pa-share! Haha
    Di ko kakayanin araw--araw mag-LRT. Kung sasakay man ako, hangga't-maaari, sana ay di rush hour.

    Huli man daw at magaling, nakarating ka pa rin! Hehehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Mas gusto ko ang rush hour cher Kat, feeling close sa ibang pasahero, close na close talaga :)

      Tama, huli man ng dating, naka-attend pa rin! :)

      Burahin
  3. Hindi ako naging kalmado ng nakaraang 3 linggo lolz. Sunod sunod ang mga reports, movie review and analysis, quiz, long test etc etc.

    Yung iba bakasyon na kami babalik pa after holy week :(

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Kayang-kaya mo yan Rix! Ikaw pa na isang nilalang na laging puno ng enerhiya hehehe :)
      Kapag natapos na yan, hayahay naman ang buhay :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...