Ika-06
ng Marso, 2015
Biyernes,
2:48 ng hapon
Ang awkward at sarcastic ng lesson ko kanina – The Sun, Earth and MOON.
Nag-enjoy ako sa pagdi-discuss
tungkol sa parts ng sun at sa pagbibigay ng ilang amazing trivia, ganun din naman sa Earth. Pero sa pagdating sa moon… hay naku… hahaha.
Sa isang klase ko, ang sabi ni Angelo –
“Sir di ba may CRATER ang moon?”
Sa isip ko, ito na ang usaping crater, common knowledge naman na ito kaya maikling
“Oo
meron. Kasi walang atmosphere na nagpro-protect sa moon na katulad ng sa Earth.”
Sabay
tanong ko ng “By the way, how many days nga
ulit nagri-revolve ang moon around the Earth?” Segue?! Hahaha.
Tapus sa isa pang section, si Kyla naman –
“Sir! Nakita ko yung moon nung nag-telescope
kami dati sa school, meron s’yang ano sa gilid *nauutal kaya hindi maituloy*…”
***Sa isip ko, “Sige kaya mo yan Kyla, sasabihin mo bang crater?!”
“…yung ano sir, may LIWANAG siya sa gilid.”
dugtong niya.
***Sa isip ko ulit, “Ah, ‘kala ko CRATER na naman.” Kaya
sinagot ko si Kyla ng –
“Actually, walang sariling light ang moon,
niri-reflect niya lang yung liwanag ng sun.”
Pagkatapos kong magpaliwanag may
nagsumbong –
“Sir si Christine, may CRATER sa mukha!”
pang-aasar ni Ricardo sa klasmeyt niya.
Tinignan ko muna sila… nakita kong
nagningning ang mga mata ng lokong bata na si Ricardo…. kaya lumakad na lang ako
palayo sa asaran nila…
…baka MADAMAY pa ako! Badtrip!
Tuloy lang discussion.
Hahaha!!!
Tama lang yang ginawa, lumayo sa usapang crater, madamay ka pa nga. Alam mo naman ang ibang bata, kung maka comment, parang wala lang pero kasingtigas ng bato ang dagok.
TumugonBurahinHahaha, tama ka sir Jo, minsan sagad kung makapanlait! lols :)
Burahinshet. hahaha intense.
TumugonBurahinjusko ang mga bagets pa naman makukulit! hahaha
Nakakalokang kakulitan :)
BurahinWell tama nga naman lumayo ka na lang kesa naman sa mapahamak ka pa lolz.
TumugonBurahinTrue!
BurahinPag may mang-okray sa'yo sabihin mo na lang “Sige, ipapatapon kita sa Sun!” lols. Ano nga po pala ang year na tinuturuan niyo?
TumugonBurahinAnyway, nabalitaan mo na po ba yung Mars One Mission? Yung tungkol sa mga taong ipapadala sa planet Mars tapos di na pauuwiin. Dun na daw titira. Kashokot!
Grade 7 ang mga inuuto ko este tinuturuan pala hahaha :)
BurahinOo, ibinalita ko yang Mars One Project sa mga bagets, at ang dami nilang tanong at concerns as if sila yung ipadadala sa Mars lols! Naku, pag nagtagumpay yan, sabi nila every two years ay magpapadala sila ng mga tao doon, magvo-volunteer talaga ako! :)