Ika-29 ng Marso, 2015
Linggo, 1:19 ng
madaling araw
Sabado ng nakaraang linggo.
Noong
huling araw ng klase, kasama ko sila Neri at Eldie na naupo maghapon sa Luneta
matapos ang isang mahabang araw ng pasahan ng requirements at finals, ang lakaran
at nakalilitong pagtawid sa mga ginagawang daan dahil sa mga buradong linya ng
pedestrian.
Sa
ganung kasimpleng paraan lang namin idinaos ang pagtatapos ng semestre.
Umupo
lang at nagkwentuhan.
Apat
na taon kong naging kaklase sila Neri at Eldie noon sa kolehiyo. Matapos ang
halos apat o limang taon pa na hindi na kami nagkikita-kita, ngayon ko lang
ata sila ulit nakakwentuhan ng ganito. Noong sabado na iyon ko na lang
napakinggan ang kanilang mga kwento. Yung tagal ng inupo namin sa Luneta pati
na mga kwentuhan at tawanan, higit pa ata yun sa apat na taon na naging kaklase ko sila.
Nakuntento
na kami sa pagtingin sa fountain, sa saglit na pakikipag-usap sa mga taong
lumalapit, mga nag-aalok ng litrato, batang nanghihingi ng pagkain, pati na nanlilimos.
Pwede
pa lang ganun lang. Masaya na rin naman.
Sa pagitan ng aming pagkukwentuhan ay ilang saglit na pagkuha ko ng mga larawan, "Halina sa Luneta!" lols -
Luneta - 03.21.15 / 5:11 pm |
Luneta - 03.21.15 / 5:59 pm |
Luneta - 03.21.15 / 6:23 pm |
Maganda panoorin ang paglubog ng araw sa likod ng Quirino Grandstand.
TumugonBurahinNext time, i-experience ko yan :)
BurahinAng ganda ng mga kuha mo :)
TumugonBurahinSalamat! Wala kasi ako sa mga larawan kaya ganun lols :)
BurahinCatching up with friends really is timeless! :)
TumugonBurahinTrue!!!
BurahinSalamat sa pagbisita Pao :)
Sometimes the simple things are the best and most priceless one can experience or have in life. But we often pursue the greatest and the most opulent, that's why we end up always unsatisfied about everything. But that is life. OR should i say, that is adulthood. Is there anyway to escape it?
TumugonBurahinYeah! Hahaha :)
BurahinEdad at pisikal na anyo lang ata natin ang nadaragdagan ng bilang at tumatanda, pero deep inside feeling ko ang bata-bata ko pa (ilusyon hahaha).
Maganda ang Luneta, minus the y'know.... although nag improve na siya ngayon...some people find it cheepanga pero ako amazed na ako sa simple beauty Aniya
TumugonBurahinPara sa akin ok na rin ang luneta ngayon, hindi na tulad dati na pamugaran ng mga lovers feeling in paris hahaha. Although meron pa rin pero iba na ag dating.
BurahinMas marami na rin ngayong pamilya, barkada, students na nasa paligid na feeling ko ay nakakapag-create ng better atmosphere ng mga tao hahaha :)
May ma-say lang lols :)