"Naramdaman mo na rin ba ang ganitong klaseng eksena?"


Ika-04 ng Marso, 2015
Miyerkules, 7:55 ng gabi


            Isang umaga na gumising ka,
            Buhay mo bigla na lang naging parang pelikula.

            Naramdaman mo na rin ba
            Ang ganitong klaseng eksena?

            Parang may ‘narration’ pa nga pagmulat ng iyong mata,
            Ang nakakatawa boses mo pa,
            Syempre meron ding background na musika.
           
Di man nila naririnig,
            Ang pakiramdam na ito’y nananaig.

            Ikaw na ang direktor,
            Ikaw pa rin ang aktor.
            Pero wala namang sinusundang script.

            Buhay na parang dokyu.
            Nakikita mo na,
            Nai-experience mo pa.
           
            Yung malinaw mong naririnig ang ‘klink-klank’ ng kutsara,
Habang parang ‘slowmo’ mong nakikita ang pag-ikot
Ng hinahalo mong kape sa tasa.

Yung ‘chirp-chirp’ ng ibon na di mo naman dati napapansin.
Yung parang ang ‘fresh’ ng mukha mo sa salamin.
Tapus mangingiti ka.
Mukhang tanga! Hahaha!

May ‘zoom in’ at ‘zoom out’ pang effect.
May focus at blur sa mga eksena.
Ano na naman ‘to, jepbuendia?

Yung pakiramdam na habang abala sila,
Ikaw naman ay may sariling mundong pinapagana.

Tapus sa huli may credits,
Ikaw pa rin ang makikita sa ending.

Hay naku…
Epekto ata ito ng caffeine at bioflu.

            

Mga Komento

  1. Minsan, inihahalintulad ko ang sarili ko na nasa pelikula. Isang halimbawa ang pag-iyak. Ginagawa ko ito habang naliligo, at habang dumadausdos and tubig mula sa shower head, luluhod ako at mag-iiyak. So cinematic, hahaha. Luka luka effect, lol!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hahaha :) Iba ka sir Jo!

      Actually, may ganyang moment din ako...
      ... ini-imagine ko minsan na nasa 'big night' na ako ng PBB, tapus sasabihin na ni Tony ang 'big winner' at isisigaw niya sa lahat na ang big winner ng bahay ni kuya ay si Jep Buendia! Hahaha, tapus habang nakaharap sa salamin sa banyo, naluluha ako kasi ang sarap sa feeling at ang sarap mag-thank you sa madlang pipol! Hahaha.

      Ano ba ito?! Lols.

      Pero pang-Gawad Urian yung eksena mo sa CR sir Jo! :)

      Burahin
  2. Natawa ko sa comment ni Cher Jo! Naimagine ko.. Very cinematic nga naman.

    Ang galing nitong piece mo na to Cher Jep :D :D Bet na bet ko!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ako rin, di ko ma-imagine o di ko matiyak kung pa'no ko dapat ma-imagine na si sir jonathan nga yung nasa eksenang ganun hahaha :)

      Burahin
  3. Siyanga pala mga people, wala po akong saplot habang nakahandusay sa banyo, parang na rape lang! Ha,ha,ha. Ayan may visuals ka na!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hahaha! Kabog ka talaga sir Jo! :) Pang-Oscar na yan ah :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento