About Compliments and Being Stranded. (Maka-title lang ng english, yey!)


Ika-16 ng Marso, 2015
Lunes, 2:38 ng hapon


            “Ikaw lang ata yung nakita kong haggard na kalmado,” walang kaabog-abog na pagsabi sa akin ni Sir C na klasmeyt ko sa subject P habang abala ako sa pag-aayos ng report at pagsulat ng sagot sa mga task sheets.

            “Pwede bang kalmado na lang?” banggit ko sa kanya, sabay dugtong ng tawa kong awkward lols.

            Yung mga moment na ganito, na di mo alam kung compliment ba o inuuyam ka na hahaha. Kahit saan talaga, lumulutang ang ka-haggard-an ko. Hahaha!

            Anyways…

            Dinagdagan pa ng pagkasira ng LRT nung sabado ang kadukhaan ng aking pagkatao. Uwian pa naman.

Hindi na bago ang pagkasira ng mga tren, pero first time kong na-experience ito pati na ang sumalampak sa sahig habang naghihintay sa paasang tren… at ang ending waley.

 Nung napagdesisyunan naming bumaba na lang, ang daming taong naglisawan sa kalsada, akala mo nawalan na ng direksiyon sa buhay hahaha. Kulang na lang humarang na kami sa gitna ng daan para lang makapagpara ng jeep, pero laging puno ang mga jeep! Yung nasusulasok ka na sa usok ng mga sasakyan at sa sigarilyo ng mga smokers, na kung pwede lang isupalpal yung sigarilyo sa kanilang mga bibig ay ginawa ko na hahaha! Bad. Pero mas bad kasi yung buga ka ng buga buti sana kung bumabalik ang usok sa bunganga nila.

Nakakatuwa nung nakahanap na kami ng jeep na masasakyan sa tulong ni kuyang kumukumpas sa kalsada. Halos lumakad na kami pabalik sa aming pinanggalingan para lang makapag-abang ng sasakyan. Dun ko nasaksihan na tayo pala ay may lahing ninja hahaha. Da best kung umentra ang mga pasahero sa jeep – juma-jump ang peg, ala-beast mode ang mga pasahero. Yun nga lang tumira na kami sa loob ng jeep sa sobrang tagal, bagal at trapik!

Na pag-uwi mo ay a-attend ka pa ng JS. Kaya kaunting pa-fresh at go pa rin… at ang pinakamasayang parte sa lahat ay yung pagdating mo sa skul ay palabas na ang mga dumalo sa prom… at least nakapunta pa rin ako, I’m so proud hahaha!


Ang mga nagpapanggap na 'fresh' habang stranded sa D. Jose -
ako, Neri, Clang at Eldie.


Mga Komento

  1. Naalala ko ang mga sitwasyong naglalakad ako sa Taft Ave. para lang makauwi. LRT person din ako since I worked around Abad Santos, attend university along Taft, and live in between. Hayaan mo lalaki ang mga binti mo sa kalalakad, sasakit ang balakang mo sa tagal ng pagkakaupo, at mababaliw ka sa sigarilyo at usok. Kaya pag tuntong mo ng 30, feeling 25 pero mukha ka nang 50.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Di nga po lumalaki ang aking mga binti, mas lalo lang pumapayat sa pagiging haggard :)
      Ayoko mangyari yang sinasabi mo sir Jo, "feeling 25 pero mukha ka nang 50" hahaha, napakasaklap naman lols :)

      Burahin
  2. Bongga sa calmness! Pa-share! Haha
    Di ko kakayanin araw--araw mag-LRT. Kung sasakay man ako, hangga't-maaari, sana ay di rush hour.

    Huli man daw at magaling, nakarating ka pa rin! Hehehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Mas gusto ko ang rush hour cher Kat, feeling close sa ibang pasahero, close na close talaga :)

      Tama, huli man ng dating, naka-attend pa rin! :)

      Burahin
  3. Hindi ako naging kalmado ng nakaraang 3 linggo lolz. Sunod sunod ang mga reports, movie review and analysis, quiz, long test etc etc.

    Yung iba bakasyon na kami babalik pa after holy week :(

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Kayang-kaya mo yan Rix! Ikaw pa na isang nilalang na laging puno ng enerhiya hehehe :)
      Kapag natapos na yan, hayahay naman ang buhay :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento