Ika-06 ng Hulyo, 2014
Linggo, 8:12 ng gabi
May tatlong makapangyarihang tao sa
bahay namin pagdating sa paggamit, panunuod at pagpili ng programang panunuorin
sa telebisyon. Pinaka ‘da best’ na
ang kapatid ko na magdamag nakabukas ang tv
sa kanyang kwarto. Sa sala naman, sa umaga ay ang nanay ko ang reyna ng mga
istasyon. Bawal ilipat kapag mga inaabangang palabas niya ang pinanunuod. Sa
gabi naman, lalo na kung may laro ng ‘basketbol’
ay ang tatay ko ang nagmamaneobra sa remote
control, kahit nakapikit na siya, nanunuod pa rin daw siya, kaya di kami nagtatangka
na patayin ang tv kung ayaw mong
mag-huramentado siya hahaha.
Eh apat lang naman kami sa bahay,
kaya ako… walang naiwan na ‘sked’ sa akin para manuod ng tv. Pero ‘oks’ lang basta
may wifi at radyo… pwede na yun sa
akin!
Pero ang totoo niyan…
…ang hindi ko talaga matanggap ay –
… bente-singko anyos na
ako!
Tadhana! Parang hindi ko to ‘keri’ ah lols.
Happy Birthday Jep! Tanggap lang ng tanggap!
TumugonBurahinSalamat sir! :)
BurahinHappy Birthday friend! :) kung 25 ka na, lalo naman ako.... Lolang lola na ang peg ko hhahaha Kung eat bulaga lang ako, padalhan na ng TV yan!!! haha
TumugonBurahinSalamat! Hihintayin ko yang flat screen tv hahaha :)
BurahinHappy Birthday sa'yo.
TumugonBurahinKung sila ang naghahari sa tv dapat ikaw lang maghari sa wifi.hehe*
Salamat! Kaya nga ok na rin, marami na rin namang mapapanuod sa internet hahaha :)
BurahinBelated Happy Birthday Cher Jep! Kanya-kanyang kingdom, kanya-kanyang ownership. Kanya-kanya ding acceptance :D :D Accept lang ng accept para birthday lang ng birthday! Cheers to happy life!
TumugonBurahinSalamat Cher Kat! :) Tama ka, cheers to happy life! :)
Burahin