Lumaktaw sa pangunahing content

Chapter 25


Ika-06 ng Hulyo, 2014
Linggo, 8:12 ng gabi


            May tatlong makapangyarihang tao sa bahay namin pagdating sa paggamit, panunuod at pagpili ng programang panunuorin sa telebisyon. Pinaka ‘da best’ na ang kapatid ko na magdamag nakabukas ang tv sa kanyang kwarto. Sa sala naman, sa umaga ay ang nanay ko ang reyna ng mga istasyon. Bawal ilipat kapag mga inaabangang palabas niya ang pinanunuod. Sa gabi naman, lalo na kung may laro ng ‘basketbol’ ay ang tatay ko ang nagmamaneobra sa remote control, kahit nakapikit na siya, nanunuod pa rin daw siya, kaya di kami nagtatangka na patayin ang tv kung ayaw mong mag-huramentado siya hahaha.

            Eh apat lang naman kami sa bahay, kaya ako… walang naiwan na ‘sked’ sa akin para manuod ng tv. Pero ‘oks’ lang basta may wifi at radyo… pwede na yun sa akin!

            Pero ang totoo niyan…

            …ang hindi ko talaga matanggap ay –

            … bente-singko anyos na ako!

            Tadhana! Parang hindi ko to ‘keri’ ah lols.


Mga Komento

  1. Happy Birthday Jep! Tanggap lang ng tanggap!

    TumugonBurahin
  2. Happy Birthday friend! :) kung 25 ka na, lalo naman ako.... Lolang lola na ang peg ko hhahaha Kung eat bulaga lang ako, padalhan na ng TV yan!!! haha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Salamat! Hihintayin ko yang flat screen tv hahaha :)

      Burahin
  3. Happy Birthday sa'yo.
    Kung sila ang naghahari sa tv dapat ikaw lang maghari sa wifi.hehe*

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Salamat! Kaya nga ok na rin, marami na rin namang mapapanuod sa internet hahaha :)

      Burahin
  4. Belated Happy Birthday Cher Jep! Kanya-kanyang kingdom, kanya-kanyang ownership. Kanya-kanya ding acceptance :D :D Accept lang ng accept para birthday lang ng birthday! Cheers to happy life!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Salamat Cher Kat! :) Tama ka, cheers to happy life! :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...