Ika-10 ng Hulyo, 2014
Huwebes, 8:48 ng gabi
“Almusal?”… pag-uuyam ng nanay ko sa
binili kong tapsilog ngayong gabi hahaha. Nawala sa isip ko na “ispageti” nga pala ang iluluto niya;
ang natandaan ko lang sa sinabi niya kaninang umaga ay hindi siya magluluto
ngayong gabi ng ulam at kanin… sana pala “pidza”
na lang inuwi ko. Ang ending, hindi ako nakakain ng luto niyang “ispag” dahil nabusog na ako sa inuwi
kong pang-almusal na “tapsi”.
“Kaw ah, isnabero ka,” ang nabanggit
sa akin ng nakasalubong kong kasama sa hanap-buhay ngayon. Gabi na kasi… saka
nanibago yung mata ko kasi sanay akong makita siyang naka-uniform. Idagdag pa na buntis pa siya nung huli ko siyang makita
mga 4-5 taon na ang nakaraan, kaya yun na yung tumatak sa isip ko haha (‘gang
ngayon dapat buntis?). Kahit pa nga naka-uniform na siya, mga ilang segundo pa bago ko ma-recognize na siya na pala yun dahil iba
na talaga ang itsura ni ma’am ngayon.
At saka madalas naman akong
masabihan na ‘isnabero’ porke ba
minsan ay hindi ako nakasalamin, malay ko ba kung kinakawayan nila ako o
papalapit na pala sila sa akin hehe.
Nawalan bigla ng tubig… pinagkasya
ko ang isang timbang tubig para maligo… parang bitin… daanin na lang sa lotion.
Yung 3rd paragraph may kinalaman pa rin sa posts mong "..ang poker face ko..." hehe.
TumugonBurahinou nga ano hehe, patunay sa everlasting poker face of mine :)
Burahindaanin sa lotion? parang ang lagkit naman ahaha!
TumugonBurahinokay lang manlagkit sa lotion hahaha :)
Burahinparang iba naiisip ko sa pagdaan sa lotion. chos. haha
TumugonBurahinano ang iyong naisip? i have no idea haha :)
Burahinknowabelles ko yun.
Burahinpaki-explain lols :)
Burahinnyahahahahahaha pampadulas! lol
Burahinnow i know hahaha :)
BurahinRelate naman ako masyado dito. Pag wala akong salamin masyado akong isnabero.. kesa naman todo smile ako tas ibang tao pala! hahaha, kasi nagawa ko na.. nyahahah
TumugonBurahinhaha ginagawa ko rin yan, naka ngiti kapag walang salamin, para automatic kahit sino pa yang nakasalubong ko at least wala akong hindi nangitian :)
BurahinLol.. mahilig ako mag-almusal sa gabi.. as in.. kaso nga lang nagluto naman pala si mader ng spaghetti. sayang naman. at ako din.. sapilitan ang pagsaklolo ko for salamin or contact lens dahil nakakapang-isnob nga ang maging bulag,
TumugonBurahinmarami rin pala tayong nakaka-relate sa kahinaan ng ating mga mata :)
BurahinIsnabero ka pala? haha! bigla kong na miss ang tapsi... ke almusal, tanghalian o hapunan
TumugonBurahindito po masarap ang tapsi from mcdomeng :)
Burahin