Lumaktaw sa pangunahing content

"...daanin na lang sa lotion."


Ika-10 ng Hulyo, 2014
Huwebes, 8:48 ng gabi


            “Almusal?”… pag-uuyam ng nanay ko sa binili kong tapsilog ngayong gabi hahaha. Nawala sa isip ko na “ispageti” nga pala ang iluluto niya; ang natandaan ko lang sa sinabi niya kaninang umaga ay hindi siya magluluto ngayong gabi ng ulam at kanin… sana pala “pidza” na lang inuwi ko. Ang ending, hindi ako nakakain ng luto niyang “ispag” dahil nabusog na ako sa inuwi kong pang-almusal na “tapsi”.

            “Kaw ah, isnabero ka,” ang nabanggit sa akin ng nakasalubong kong kasama sa hanap-buhay ngayon. Gabi na kasi… saka nanibago yung mata ko kasi sanay akong makita siyang naka-uniform. Idagdag pa na buntis pa siya nung huli ko siyang makita mga 4-5 taon na ang nakaraan, kaya yun na yung tumatak sa isip ko haha (‘gang ngayon dapat buntis?). Kahit pa nga naka-uniform na siya, mga ilang segundo pa bago ko ma-recognize na siya na pala yun dahil iba na talaga ang itsura ni ma’am ngayon.

            At saka madalas naman akong masabihan na ‘isnabero’ porke ba minsan ay hindi ako nakasalamin, malay ko ba kung kinakawayan nila ako o papalapit na pala sila sa akin hehe.

            Nawalan bigla ng tubig… pinagkasya ko ang isang timbang tubig para maligo… parang bitin… daanin na lang sa lotion.



Mga Komento

  1. Yung 3rd paragraph may kinalaman pa rin sa posts mong "..ang poker face ko..." hehe.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ou nga ano hehe, patunay sa everlasting poker face of mine :)

      Burahin
  2. daanin sa lotion? parang ang lagkit naman ahaha!

    TumugonBurahin
  3. parang iba naiisip ko sa pagdaan sa lotion. chos. haha

    TumugonBurahin
  4. Relate naman ako masyado dito. Pag wala akong salamin masyado akong isnabero.. kesa naman todo smile ako tas ibang tao pala! hahaha, kasi nagawa ko na.. nyahahah

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha ginagawa ko rin yan, naka ngiti kapag walang salamin, para automatic kahit sino pa yang nakasalubong ko at least wala akong hindi nangitian :)

      Burahin
  5. Lol.. mahilig ako mag-almusal sa gabi.. as in.. kaso nga lang nagluto naman pala si mader ng spaghetti. sayang naman. at ako din.. sapilitan ang pagsaklolo ko for salamin or contact lens dahil nakakapang-isnob nga ang maging bulag,

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. marami rin pala tayong nakaka-relate sa kahinaan ng ating mga mata :)

      Burahin
  6. Isnabero ka pala? haha! bigla kong na miss ang tapsi... ke almusal, tanghalian o hapunan

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...