"Demanding."


Ika-03 ng Hulyo, 2014
Huwebes, 9:21 ng umaga


            Hindi na araw ang binibilang ko para aking malaman kung malapit na ba ang TGIF! Yung bilang ng nakasabit na uniform sa likod ang aking pinto ang tinitignan ko at nagsisilbing hudyat na habang kumukonti ang bilang nila sa paglipas ng araw ay malapit na talaga ang araw ng pahinga. Katulad ngayon, dalawang uniporme na lang ang nakasabit, susuotin ko ang isa mamaya, at pag-uwi, isa na lang ang aking daratnan, at bukas ay katuparan na ng mga katamaran sa buhay hahaha.


Pagpapatuloy…
7:55 ng gabi


            Ewan ko kung ako lang ba… ang hindi excited kapag malapit na ang birthday ko o ng iba. Noong bata pa kasi ako, wala namang tagpo na talagang tumatak sa alaala ko na magsasabing “ganito pala ang masayang birthday!”… di naman sa hindi ako masaya tuwing birthday ko… masaya naman kasi maraming tao noon at may handa, mga regalo at iba pa. Habang lumalaki kasi ako wala na akong ibang nakita sa mga nagsi-celebrate ng birthday kundi handa at mga regalo… naisip ko, wala na bang ibang paraan ng pagdaraos ng iyong kaarawan? Puro paghahanda at kainan na lang?

            Hindi ko naman isinasantabi ang kaisipan na masaya rin talaga kapag nagkakasama-sama kayo para kumain at mag-enjoy… pero sa pinakaloob ko, lagi kong tinatanong at hinahanap kung ano pa ba ang mas hihigit pa rito… sa mga bagay na nakagawian na tuwing ganitong okasyon.

            Sana may iba pa.

            Demanding. Hahaha.


Mga Komento

  1. May iba pa!!! Bday fansign galing sa superuberduper current crush mo! Hahaha. It will give you that shortlived uber kilig feeling... Hihihihi... Char lang! Advance Happy Burpday :D :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Gusto ko yang mga fansign! Pero bukod sa mga crush (kahit parang wala naman hahaha), gusto kong makakuha ng mga fansign sa mga idol ko tulad ni Michio Kaku, Chris Hadfield at iba pang mga siyentipiko :) Naku kahit isa lang sa kanila ito na ang magpapabago ng birthday ko hahaha. :)

      Burahin
  2. Ang masaya yatang bday yung 150 yrs old ka na tapos binabati ka pa sa FB ng more birthdays to come. Pero seriously, ang masayang Bday yung simple lang and tama si YCCOS yung pagbati galing sa crush mo... teka kalian ba Bday mo, pakain ka naman!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Malapi na malapit na talaga, ilang tulog na lang :)
      Pero di po talaga ako excited... usually yung mga naging students ko lang ang nagbibigay ng kakaibang 'twist' kapag birthday ko.

      Kaya ngayon, iniisip at hinahanap ko kung pa'no ba maiiba ang selebrasyon ng isang birthday.

      Burahin
  3. Well, you cam celebrate your bday in an orphanage or nursing home and don mo ihanda ang mga pagkain mo. Instead of receiving, you will give instead. A hundredfold blessings in return afterwards:)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Parang ganyan po ang aking nahihinuhang gawin. Parang hindi ko na po gusto na ako yung espesyal (kahit parang hindi naman hehe) tuwing kaarawan ko, gusto ko iba naman. :)

      Burahin
  4. Ganyan di ako ser Jep :D
    Bakit noong mga bata pa tayo, super excited tayo tuwing sasapit ang ating kaarawan. Tapos pag hindi ka nabigyan ng bonggang party, magmamaktol tayo ahaha.
    Ngayon namang adult na tayo, parang hindi na masyado importante ang pagsi-celebrate ng birthday... siguro nag-iiba na rin kase ang mga preferences at priorities natin sa buhay as time goes by...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sumasang-ayon ako sa iyong mga nabanggit :)
      marahil ay iba na kasi ang lalim ng kasiyahan na ating hinahanap habang nagkaka-edad hehehe :)

      Burahin
  5. Pareho pala tayo, ako din di ako masyado excited 'pag b-day ko. Sa case ko di kami masyado naghaghanda, pero di naman ako nagagalit. Kung minsan nga nakakalimutan kong b-day ko pala at naaalala ko nalang kapag may nag-greet sa akin. Sapat na sa akin ang mga greetings at ito ay sobrang nakakapagpagaan sa akin ng pakiramdam. Parang ordinaryong araw lang sa akin ang b-day noon pero na-realize ko na ang da best na regalo pala ay yung humihinga pa ako at buhay sa mundo.

    By the way, advance Happy Birthday sa'yo. More birthdays to come.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. maraming salamat! :)
      tama ka, i -enjoy natin ang mga pagkakataon na tayo ay nabubuhay pa :)

      Burahin
  6. naku po mukang matutulad ako sayo ngayung patayan ang schedule ko..

    Happy Birthday nga pala

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. patayin natin ang schedule at buhayin ang ating mga sarili :)
      salamat!

      Burahin

Mag-post ng isang Komento