Ika-29 ng Hulyo, 2014
Martes, 9:27 ng gabi
Sa panahon ngayon, bihira na kaming
magsabay-sabay sa pagkain. Kaya kagabi, damang-dama ko yung tagpo na nagkasabay
kaming kumain ng nanay at tatay ko ng hapunan. Pakiramdam ko bumalik muli ako
sa pagkabata… nung panahon na lagi pa kaming sabay-sabay kung kumain. Magiliw
akong nakinig sa kanilang usapan… ganun pa rin ang lenggwaheng ginagamit nila…
bikolano… natutunan ko na lang na makaintindi ng bikol dahil na rin sa mga
pag-uusap ng nanay at tatay ko.
Mabuti na lang parehas silang good mood kagabi… kaya kwentuhan talaga
ang aking natunghayan… hindi bangayan hahaha.
Kaninang umaga naman ay sumama ako
kay nanay sa palengke. Alam niyang sumasama lang ako kapag meron akong gustong bilhin.
Natawa lang siya kasi akala niya sa Mercury
ako bibili ng kung anek-anek… yun
pala cactus lang ang gusto ko lols. Naisipan ko kasing maglagay ng
halaman sa lamesa ko (na parang hindi
naman lamesa), pero ayoko ng may dahon, saka dapat hindi mahirap i-maintain, kaya naisip ko na cactus na lang. Kaso, nabigo ako… hindi
nakapag-alaga ng magagandang cactus
yung binibilhan namin ng halaman. Pero sakto naman na may lakad si Mudra… iuuwi
niya daw ako ng cactus pagbalik niya. Hangsweet
hahaha.
Mga bandang tanghali naman ay
gumagawa kuno ako ng mga paperworks,
para mapigilan ko ang sarili kong mawalan ng pasensya at focus nakikinig ako sa 98.7
na istasyon na nagpapatugtog ng mga klasikong
musika… nakakaaliw hahaha… feeling ko ang bagal ng oras… bukod pa
dun nakaka-relax. Tuwing linggo naman
ng gabi ay nakikinig ako sa Jam 88.3
different Sunday!
Madalas napapansin ang isang tao
kapag maingay siya… pero ako napapansin dahil ang tahimik ko daw. Very unusual
na ba ang maging tahimik? Lols.
Nangingibabaw na naman ang pagiging introvert
ko. Sa isip ko kung naiintindihan lang ng mga tao kung ano ang behavior ng isang introvert na tao, siguro hindi na sila magtatanong kung bakit ang
tahimik namin… pero higit pa kami sa pagiging tahimik. Ayoko mag-explain. Basta! Hahaha.
Habang papauwi ako kanina mula sa
sarili kong gawa na roadtrip may
isang batang nanlilimos na bigla na lang sumampa sa jeep. Nangungulit na makahingi ng barya. Grabe… di pa nakuntento…
pumulupot pa sa mga binti ko… di ko alam kung anong gagawin ko. Yung isang
pasahero kasi sinungitan na s’ya eh pano medyo nakakaasar din ang pangungulit
niya. Gusto ko na sana siyang i-kame-hame–wave
para makawala sa pagpulupot niya sa aking binti. Pero wala akong magawa.
Hinayaan ko lang. Mukha kaming mag-bestfriend
kanina hahaha. Mabuti na lang
naisipan rin niyang bumaba, akala ko di siya bibitaw sa akin. Bumaba siyang
yamot kasi wala siyang nakuhang barya. At limang bata sa buong byahe ko ang
nagpanik-panaog sa jeep. Kawawa
naman. Ganito na ba ngayon ang mukha ng kahirapan?...
At pag-uwi ko, fresh na fresh pa mula sa usok mula sa mga tambutso, nadatnan ko sa
bahay ang 3 cactuseses hahaha.
Nakabili nga si Mudra! Ako na daw ang magsalin sa maliliit na paso kasi mabigat
daw ang kanyang kamay sa mga halaman. At itong isa ang inilagay ko sa
nagpapanggap kong lamesa:
Awww... hindi na rin kami sabay-sabay kumain dito sa bahay >.<
TumugonBurahinKanya-kanya lagi ang peg.
Kung sino ang gutom then chumibog XD
Hong cute ng cactus :D
Ganyan lang din ang eksena dito sa aming bahay :) Kung sino gutom, kumain ka na lang :)
Burahinako bonsai ang gusto ko lolz.
TumugonBurahinAng tagpo sa hapag ang isa sa pinaka masayang tagpo ng pamilya... namiss ko na na buo talga kami kapag kumakain at nagaasaran habang kumakain... :(
Iba na talaga kapag malalaki na ang mga miyembro ng pamilya... madalang na magawa ang mga bagay na simple lang naman dati.
BurahinLately, dumadami nga ang mga batang nasa kalsada na nagbabakasakaling maambunan ng barya, nakakaawa -oo, pero parang hindi dapat kunsintihin. Nasaan kaya ang mga magulang ng mga batang ito? May ginagawa at programa ba talaga ang gobyerno sa kanila?
TumugonBurahinIn fairness sa kanila daig pa nila ang mga batang anak mayaman dahil ang mga batang kalye ay parang cactus na mamumuhay kahit saan mo ilagay. (ayan nakonek ang cactus) haha.
May punto ang iyong sinabi sir. Kaya nga hindi talaga ako nagbibigay ng limos sa mga batang sumasampa ng jeep, para malaman nila na wala silang makukuhang pera sa gawaing iyon na maaari pa ngang magpahamak sa kanila. At hindi ko rin lubos maisip kung nasaan nga ang kanilang mga magulang at mukhang sila'y napababayaan.
Burahinmag ganyan din ako sa probinsiya....low maintenance pero kyut...masarap kumain ng may kasabay...
TumugonBurahinParang gusto ko na ngang mag-alaga ng mga cactus :)
BurahinMas masarap talagang kumain kapag may kasabay.
Kahit na cactus yan, kailangan pa rin ng alaga. Si Haring Araw and kanyang kaibigan at hindi ang bumubulusok na hangin at ulan sa araw araw. Sa iisang post, napakaraming social issues pero patungkol sa iisang bagay, pag-aaruga. Pag-aaruga sa relasyon, sa sariling ikakasaya, sa pananaw ng iba, sa mga suliranin ng lipunan, at ng buhay ( kahit na ito ay halaman lamang).
TumugonBurahinTama ka sir Jo. Kailangan pa rin ng kalinga ng cactus sa aking lamesa. :)
BurahinAng bait ni mudrabelles! Nag-alaga din ako dati ng cactus... akala ko hindi siya high maintenance.. ayun ni-literal ko masyado, na-tegi din haha
TumugonBurahinSana magtagal ang cactus ko na ito, dahil wala rin talagang cactus na tumatagal sa aking pangangalaga. :)
Burahin