Para sa mapagpanggap kong lamesa...


Ika-29 ng Hulyo, 2014
Martes, 9:27 ng gabi


            Sa panahon ngayon, bihira na kaming magsabay-sabay sa pagkain. Kaya kagabi, damang-dama ko yung tagpo na nagkasabay kaming kumain ng nanay at tatay ko ng hapunan. Pakiramdam ko bumalik muli ako sa pagkabata… nung panahon na lagi pa kaming sabay-sabay kung kumain. Magiliw akong nakinig sa kanilang usapan… ganun pa rin ang lenggwaheng ginagamit nila… bikolano… natutunan ko na lang na makaintindi ng bikol dahil na rin sa mga pag-uusap ng nanay at tatay ko.

            Mabuti na lang parehas silang good mood kagabi… kaya kwentuhan talaga ang aking natunghayan… hindi bangayan hahaha.

            Kaninang umaga naman ay sumama ako kay nanay sa palengke. Alam niyang sumasama lang ako kapag meron akong gustong bilhin. Natawa lang siya kasi akala niya sa Mercury ako bibili ng kung anek-anek… yun pala cactus lang ang gusto ko lols. Naisipan ko kasing maglagay ng halaman sa lamesa ko (na parang hindi naman lamesa), pero ayoko ng may dahon, saka dapat hindi mahirap i-maintain, kaya naisip ko na cactus na lang. Kaso, nabigo ako… hindi nakapag-alaga ng magagandang cactus yung binibilhan namin ng halaman. Pero sakto naman na may lakad si Mudra… iuuwi niya daw ako ng cactus pagbalik niya. Hangsweet hahaha.

            Mga bandang tanghali naman ay gumagawa kuno ako ng mga paperworks, para mapigilan ko ang sarili kong mawalan ng pasensya at focus nakikinig ako sa 98.7 na istasyon na nagpapatugtog ng mga klasikong musika… nakakaaliw hahahafeeling ko ang bagal ng oras… bukod pa dun nakaka-relax. Tuwing linggo naman ng gabi ay nakikinig ako sa Jam 88.3 different Sunday!

            Madalas napapansin ang isang tao kapag maingay siya… pero ako napapansin dahil ang tahimik ko daw. Very unusual na ba ang maging tahimik? Lols. Nangingibabaw na naman ang pagiging introvert ko. Sa isip ko kung naiintindihan lang ng mga tao kung ano ang behavior ng isang introvert na tao, siguro hindi na sila magtatanong kung bakit ang tahimik namin… pero higit pa kami sa pagiging tahimik. Ayoko mag-explain. Basta! Hahaha.

            Habang papauwi ako kanina mula sa sarili kong gawa na roadtrip may isang batang nanlilimos na bigla na lang sumampa sa jeep. Nangungulit na makahingi ng barya. Grabe… di pa nakuntento… pumulupot pa sa mga binti ko… di ko alam kung anong gagawin ko. Yung isang pasahero kasi sinungitan na s’ya eh pano medyo nakakaasar din ang pangungulit niya. Gusto ko na sana siyang i-kame-hame–wave para makawala sa pagpulupot niya sa aking binti. Pero wala akong magawa. Hinayaan ko lang. Mukha kaming mag-bestfriend kanina hahaha. Mabuti na lang naisipan rin niyang bumaba, akala ko di siya bibitaw sa akin. Bumaba siyang yamot kasi wala siyang nakuhang barya. At limang bata sa buong byahe ko ang nagpanik-panaog sa jeep. Kawawa naman. Ganito na ba ngayon ang mukha ng kahirapan?...

            At pag-uwi ko, fresh na fresh pa mula sa usok mula sa mga tambutso, nadatnan ko sa bahay ang 3 cactuseses hahaha. Nakabili nga si Mudra! Ako na daw ang magsalin sa maliliit na paso kasi mabigat daw ang kanyang kamay sa mga halaman. At itong isa ang inilagay ko sa nagpapanggap kong lamesa:





Mga Komento

  1. Awww... hindi na rin kami sabay-sabay kumain dito sa bahay >.<
    Kanya-kanya lagi ang peg.
    Kung sino ang gutom then chumibog XD

    Hong cute ng cactus :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ganyan lang din ang eksena dito sa aming bahay :) Kung sino gutom, kumain ka na lang :)

      Burahin
  2. ako bonsai ang gusto ko lolz.

    Ang tagpo sa hapag ang isa sa pinaka masayang tagpo ng pamilya... namiss ko na na buo talga kami kapag kumakain at nagaasaran habang kumakain... :(

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Iba na talaga kapag malalaki na ang mga miyembro ng pamilya... madalang na magawa ang mga bagay na simple lang naman dati.

      Burahin
  3. Lately, dumadami nga ang mga batang nasa kalsada na nagbabakasakaling maambunan ng barya, nakakaawa -oo, pero parang hindi dapat kunsintihin. Nasaan kaya ang mga magulang ng mga batang ito? May ginagawa at programa ba talaga ang gobyerno sa kanila?
    In fairness sa kanila daig pa nila ang mga batang anak mayaman dahil ang mga batang kalye ay parang cactus na mamumuhay kahit saan mo ilagay. (ayan nakonek ang cactus) haha.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. May punto ang iyong sinabi sir. Kaya nga hindi talaga ako nagbibigay ng limos sa mga batang sumasampa ng jeep, para malaman nila na wala silang makukuhang pera sa gawaing iyon na maaari pa ngang magpahamak sa kanila. At hindi ko rin lubos maisip kung nasaan nga ang kanilang mga magulang at mukhang sila'y napababayaan.

      Burahin
  4. mag ganyan din ako sa probinsiya....low maintenance pero kyut...masarap kumain ng may kasabay...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Parang gusto ko na ngang mag-alaga ng mga cactus :)
      Mas masarap talagang kumain kapag may kasabay.

      Burahin
  5. Kahit na cactus yan, kailangan pa rin ng alaga. Si Haring Araw and kanyang kaibigan at hindi ang bumubulusok na hangin at ulan sa araw araw. Sa iisang post, napakaraming social issues pero patungkol sa iisang bagay, pag-aaruga. Pag-aaruga sa relasyon, sa sariling ikakasaya, sa pananaw ng iba, sa mga suliranin ng lipunan, at ng buhay ( kahit na ito ay halaman lamang).

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Tama ka sir Jo. Kailangan pa rin ng kalinga ng cactus sa aking lamesa. :)

      Burahin
  6. Ang bait ni mudrabelles! Nag-alaga din ako dati ng cactus... akala ko hindi siya high maintenance.. ayun ni-literal ko masyado, na-tegi din haha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sana magtagal ang cactus ko na ito, dahil wala rin talagang cactus na tumatagal sa aking pangangalaga. :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento