Ika-27 ng Hulyo, 2014
Linggo, 10:48 ng umaga
Every
month ay may “videoke festival”
dito sa aming lugar. Tulad ngayon, actually
kahapon pa, walang tigil sa pag-atungal ang mga pipol dito sa amin. At ang mas matindi, may mga neighborhood din kaming magsa-sound trip pa, basagan ng eardrums ang tema.
Daig mo pa ang may psychosis, kapag nandito ka sa lugar
namin. Naririnig mo na ang paghiyaw ng mga nagvi-videoke, maririnig mo pa ang mga basag na sound system ng ilang ayaw magpadaig na neighborhood namin. Nasa gitna pa man din kami. Ikasasakit lang ng
ulo mo kung magtatangka ka pang manuod ng tv
o makinig ng radyo, o magpatugtog din… dahil super halo-halo na ang iyong maririnig. Parang dagdag asar pa sa
iyong sarili kapag ginawa mo yun. Lols.
Kakaiba na ang panahon ngayon.
Maambunan ka lang, lalagnatin ka na. O baka ako lang ang ganun. Ang init-init
ko ngayon, pero di pa rin ako hot. Hahaha.
Nakakabaliw yung ingay. Di ko alam
kung saan ako pupunta. Kapag sa kwarto, kahit isara mo na lahat, maingay pa
rin.
Bongga
talaga ‘tong mga kapitbahay namin.
I
love my neighbors! So much.
Ang sarap magreklamo sa barangay. Hahaha.
Naku ser Jep, ipa-Barangay nyo na yan.
TumugonBurahinNoise pollution na ang ginagawa nila.
Kaka-badtrip ang mga ganyang tao. Yung walang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanila... akala nila okay lang ang lahat. Pero ang totoo nakaka-istorbo na sila.
Buti na lng yung dati naming kapitbahay na hobby na yata ang mag-videoke at magpatugtog ng malakas ay matagal nang lumayas dito lol
Mukhang dito ata lumipat sa amin yung kapitbahay ninyo lols :)
Burahinhahaha naintindihan kita dyan. Sa amin pasiklaban din ng sounds kala mo utang ng loob ng mga nakikinig na nagpatugtog sila ng ubod ng lakas. Nakakabadtrip sobra!
TumugonBurahinhahaha kulang na lang mag-thank you tayo sa kanila :)
Burahin