"may bumisitang superstar..."


Ika-17 ng Hulyo, 2014
Huwebes, 7:51 ng gabi


            Parang may bumisitang “superstar” kung maghiyawan ang aming mga kapitbahay kagabi dahil nagkailaw na matapos ang halos isang araw na kawalan ng kuryente. Kahalintulad ng mga araw na may laban si Pacman sa tv! Nag-celebrate talaga sila hahaha (syempre ako din, pasimple lang habang nilalamok sa kama). Tandang-tanda ko, 8:44 pm nangyari yun (oras sa papa-lowbat kong cellphone).

            Si Mareng Glenda kasi daig pa super saiyan! Kitang-kita ko sa mga palaisdaang nakapalibot sa lugar namin kung paanong kumukurba pailalim ang tubig sa lakas ng hampas ng kanyang hangin. Animo’y bumababa si Goku sa tubigan at nahahawi ang tubig sa lakas ng kanyang puwersa. Ganun.

            Akala ko dati OA ang mga howling sounds ng hangin sa mga pelikula. Pero, totoo pala! Minsan napakatinis na tunog tulad ng boses ng mga nagtitiliang bata, o kaya naman ay tunog ng boses ng isang lalaking may napakalaki at mababang boses. Ganyan.

          Grabe. Mabuti na lang at hindi bumaha sa amin. At hindi naman malaki ang pinsala. Kaya magpasalamat tayong mga hindi masyadong nasalanta at ipanalangin na makabawing muli ang mga lubos na naapektuhan.

            At sana tumingkad na ulit sa sikat ng araw ang langit.

            Kasi nakakatamad kapag makulimlim. O baka sadyang tamad lang ako.

            Eh ano.



Mga Komento

  1. Superstar talaga hehe! Salamat naman at hindi ka napinsala ng bagyo. Kawawa talaga ang mga inaabot ng bagyo. Lalo na ang mga bata. Ingat pa rin dahil si pareng henry naman ang papasok.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Kaya nga sir, nakakaawa yung mga musmos pa... at sana naman hindi na masyadong mangalit pa si Pareng Henry :)

      Burahin
  2. Epal talaga tong si Ate Glenda ahahaha :D
    Buti na lang at di siya nagtagal dito sa ating bayang magiliw lol
    Glad to know na nasa maayos kayong kalagayan jan ser Jep :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. si Pareng Henry naman ang paparating, sana'y ligtas pa rin :)
      ingat din sir fiel-kun!

      Burahin

Mag-post ng isang Komento