"...ang poker face ko..."


Ika-08 ng Hulyo, 2014
Martes, 8:06 ng gabi


            Siguro… masyado ko na namang ginagamit ang poker face ko… o baka hindi ko na naman namamalayan na iba yung pinapakita ng mukha ko sa nararamdaman ko lols.

            Nang masalubong ko si Sir M kanina sa hagdanan, akala niya marahil ay nakasimangot ako or malungkot, at bigla na lang niya sinabi na “Mag-smile ka naman! Enjoy life! Masaya kaya ang magturo,” napa-smile din tuloy ako na may halong pagka-shock hahaha, naisip ko kasi “ay naku, naka-poker face na naman ako”. Hindi naman kami close ni Sir M, pero approachable pa rin siya as a person lalo na sa aming mga bago, at laging mataas ang kanyang energy.

            At kanina naman pag-uwi, nakita ko ang makulit na batang si Morgan na nakasakay sa L300, sa bandang unahan at nakabukas ang window. Napalapit ako sa sasakyan dahil papatawid ako sa kabilang kalsada, at medyo ma-traffic. Bigla na lang lumapag ang kamay ni Morgan sa aking balikat, nagba-bye at walang anu-ano’y sumigaw pa ng “Sir kaya mo yan!”. Habang papalayo, napa-big smile na naman ako na may kahalong pagtataka na “ano ba 'tong mga mensahe na nababanggit sa akin ngayong araw.” Hindi ko alam kung bakit ganun ang mga natatanggap ko.

            Bakit nga kaya?...

            Abangan.


Mga Komento

  1. Baka kasi naging habit mo na ang iharap ang iyong poker face. Kung ang poker face mo pa ay mala Lady Gaga eh di lalu na. Hahaha!

    It's nice to know na kung magkataon man talaga na malungkot ka eh may mga taong handang magbigay sayo ng ngiti. Sa trabahi ko nga eh kapag sobrang saya mo eh magisip isip ka na. Something bad is going to happen. Iba talaga dito. Nakaka dry ng happiness kaya hindi sila dumadami. Hehehe!

    TumugonBurahin
  2. Poker face is better kesa naman sa akin na palaging napagkakamalang malungkot o nakasimangot (sa school din). Baka naman dahil sa kilay ko kaya napagkakamalan akong supado (kilay ko medyo pa-slanting paitaas, kontrabida lang ang peg). Hindi ako palakibo sa skul, pero di naman ako malungkot. Tama talaga ang kasabihang "Looks can be deceiving".

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sang-ayon ako sa iyong nabanggit! "Looks can be deceiving."
      Kaya bigyan natin ng pagkakataon ang bawat isa na kilalanin din ang iba higit pa sa kanilang pisikal na kaanyuan. :)

      Burahin
  3. I remember being the stern looking teacher but loved by all students. Sa labas kasi ng iskul, matatakot kang kausapin ako. But with the children, tawanan katakot takot.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Minsan talaga hindi nagri-reflect sa ating itsura/aura ang ating personality. Yung mga taong may panahon na kilalanin ka ay ang mga masuswerteng tao na makakikita sa tunay na ikaw. :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento