"...tumbling." Me :)


Ika-07 ng Hulyo, 2014
Lunes, 11:04 ng gabi


            Ang sakit sa noo (hindi sa bangs, dahil malapad na noo lang ang meron ako) ng mga estudyante ngayon. Straightforward na kung magtanong, parang wala lang, walang pagdadalawang-isip, walang kaabog-abog.

            Mga pasado alas-singko ng hapon (sa huling klaseng pinasukan ko) ang pinag-uusapan namin ay –

            “Embrace a wholesome attitude toward sex matters.” (na parte lamang ng discussion).

            Habang nagpapaliwanag ako bigla na lamang may nagtanong…

            “Sir! Kayo may experience na kayo?”

            Dedma lang ako… tuloy pa rin sa aking sinasabi, pero sa loob ko iniisip ko kung sasagutin ko ba ang tanong ng mga mapagpanggap na isip bata…

            …sinabi ko na lang na –

            “Basta tandaan niyo, ang sex ay dapat lang mangyari after marriage.”

            Sa isip ko napatanong din ako, tama ba yung sinabi ko? Haynaku…

            Eh may humirit pa –

            “Eh sir bakit sa US, parang basketball lang?”

            Napatingin ako sa kanya (gusto ko siyang tunawin sa aking mga tingin haha), nais ko sanang sabihin na “pwede bang paki-explain yung parang ‘basketball’ lang?”. Hindi ko kasi alam kung tugma ba yung nasa isip ko sa sinabi niya o baka namali lang ako ng dinig… pero hindi eh, yun talaga ang pagkakabanggit niya…

            May-I-explain na lang ako ng…

            “Ganito kasi, iba ang kultura natin sa kanila, kaya wag niyo i-compare.”

            Lols. Hindi ko na naman alam kung tama ba yung sinabi ko.

            Hindi ko alam kung awkward moment ba yun. Pakiramdam ko nagka-bangs ako bigla… at ang bigat nun!

            Haynaku ulit... Bakit ganyan kayo… tumbling.


Mga Komento

  1. Wala naman mali sa sinabi mo at enough na 'yon, kesa naman humaba pa ang usapan.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ok lang din naman na mapag-usapan namin yun, kaya nga lang naramdaman ko na hindi pa sila ganun ka-openminded saka baka kung saan mapunta ang usapan, kaya mas minabuti ko na lang na ganun para wala nang iba pang hirit :)

      Burahin
  2. Ganun na po talaga ang karamihan sa mga high school students ngayon. Kahit sa college, actually, ganun din :) Teka lang sir, anong kinalaman nito sa Physics? LOL :P

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Mahabang kwento Aidan... basta sa ngayon, hindi muna mundo ng Physics ang ginagalawan ko. :)

      Burahin
  3. Mga estudyante ko kasi mga apat at limang taon kaya hindi ako natatanong ng ganyan. But one question that I do remember being asked was kung bakit wala raw akong anak. I answered with, "Ihave, all of you and then they hugged me."

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento