Ika-02 Hulyo, 2014
Miyerkules, 7:59 ng gabi
Sa pakiwari ko ay mas okay ang pumasok sa umaga, animo’y
nakaka-fresh ang sunshine! Yung makikita mo na nakangiti pa ang mga tao at feeling fresh din (tulad ko). Idagdag mo pa na yung mga taong nakakasalubong mo sa
hapon, ‘pag umaga pala ay marunong bumati sa iyo na may kasama pang smile!
Di
kahalintulad kung ikaw ay papasok sa tanghali, lakas maka-haggard ng itsura. Yung kakaayos mo pa lang pero paglabas mo parang
kagugulo lang din ng itsura mo hehehe.
Na yung bawat makakasalubong mo ay nakakunot ang noo, hindi naman dahil sa badtrip siya nang ikaw ay makita (o maaari ring ganun na nga hahaha), at
nakakunot-noo ka rin naman dahil sa sobrang init na nakakapagpapawis sa iyo, sa
alin mang parte ng iyong katawan na may pores!
Sa bawat pagtatapos ng isang araw na
pakikipag-kame-hame-wave sa mga
bubwit na makukulit, pag-uwi ko ay bitbit ang kwento ng kabwisitan o kasiyahan
kay nanay. Naging bonding na namin
yun ng nanay ko. Kukwentuhan ko siya ng mga nakakagigil na eksena o mga epic fail na moment. At kukwentuhan din naman niya ako ng mga nangyari sa kanya
sa maghapon – yung mga napanuod niya o nabalitaan sa tv (tulad ngayon ibinalita niya sa akin na may lung cancer pala sa Miriam),
mga usaping pampamilya o kaya ay tungkol sa mga kapitbahay namin na best in reporting and sharing ng
patungkol sa buhay ng iba lols.
Wala lang.
Na-appreciate ko lang na kahit medyo hapong-hapo na ako sa mga nangyari
sa akin buong araw, at least pag-uwi ko ay may makukwentuhan ako ng kung anek-anek
na kaganapan sa aking buhay.
At hindi talaga ito diary… mukha lang.
Where we love is home-home that our feet may leave but not our hearts.
TumugonBurahin-Oliver Wendell Holmes, Sr.
Home is not where you live, but where they understand you.
-Christian Morgansterm
Home is a place you grow up wanting to leave, and grow old wanting to get back to.
-John Ed Pearce
salamat sa magagandang quotes na ito :)
BurahinOo nga. Napakasarap pumasok ng maaga. Mabango lahat kahit nasa loob ka pa ng jeep or fx. Tapps may uuwian kang nanay na mahilig magkwento. Simple pero masaya ..
TumugonBurahintama ka sir! :) kapag umaga fresh na fresh pa ang lahat :)
Burahinpangontra stress na rin ang pagkukwento sa nanay ko (bokud sa blogging).
Ka touch naman ang relationship nyo:)
TumugonBurahinsakto lang po ang closeness :)
BurahinHi Jep,
TumugonBurahinBihira lang ang magkomento pero isa ang blog mo sa mga binababasa ko.
Hello Limarx214,
BurahinMaraming salamat :) Nakakataba ng puso! (sana tumaba rin ako hehe)...