Ika-22 ng Agosto, 2014
Biyernes, 5:19 ng hapon
Sa tuwing magbubukas ako ng fb, nadudurog ang puso ko sa mga mensahe
ng lahat ng nakakakilala, nakasama at mga kaibigan ni Sean Rodney Alejo. Grabe…
Nung pumunta ako sa kanyang burol
noong miyerkules, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko… siya nga yung
nakaburol. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o ano. Parang namamanhid ako
habang nagdarasal sa harap ng kanyang kabaong (kasama ang dalawa kong kaguro).
Na bigla ko na lang na-appreciate ang buhay ko. Ang batang ito
ay nauna pa sa akin… ang batang ito ay mas nauna pa sa kanyang mga magulang.
Gaano kasakit sa kanyang mga mahal sa buhay ang kanyang pagkawala? Gaano kahirap
sa isang magulang ang maghatid sa huling hantungan ng kanyang anak?… hindi ko
alam… hindi ko kayang ilarawan.
Proud ako na naging guro niya ako
noong 4th year high school
siya. Nag-uumpisa pa nga lang ang kanyang mga pangarap sa buhay-kolehiyo, heto’t
dahil sa di inaasahang pangyayari, bigla na lang naglaho ang lahat.
Mahusay sumayaw.
Magaling na manlalaro ng volleyball.
Palakaibigan.
Palangiti.
Makulit.
May angking talino.
Ganyan ko nakilala ang isang Rodney. Tandang-tanda ko pa nung isang seatwork namin sa physics na ginawa kong isang game
/ group activity, nakita ko siya na nagdarasal pa para lang humiling na
sana tama ang kanyang sagot kasama ng kanyang mga kagrupo, bigla akong natuwa,
naisip ko, “Gumagana rin kaya ang prayer
kahit sa seatwork?”… maya-maya pa, nung sinabi ko na ang tamang sagot sa problem-soving, natuwa ang grupo ni Rodney dahil tama ang kanilang
kasagutan, may puntos na sila J.
Kinilabutan ako. Ibang klase, ang lakas manalangin. J
May pananalig.
Marami na ang sumasaludo sa kanyang kabayanihan ngayon. Niligtas ang iba
bago ang sarili. Tatak ng isang tunay na bayani.
Kinikilabutan pa rin ako hanggang
ngayon. Kahit nasa klase ako, habang nagtuturo, bigla na lang magpa-flash sa utak ko ang nakahimlay na si Rodney, tapus napapatingin ako sa mga
kasalukuyang estudyante ko, naisip ko na sana alam nila kung gaano sila ka-bless na may pagkakataon pa silang
mabuhay at mangarap, na sana hindi sila maging biktima ng di inaasahang
pangyayari o kapabayaan nino man.
Ilang beses ko na rin sinabi sa
sarili ko na wag muna mag-fb, kasi
pusong-bato lang ang hindi maaantig sa lahat ng nagdadalamhati sa kanyang
pagkawala. Kahit hindi mo kilala si Rodney, kung mababasa mo lang ang mga
mensahe nila para sa kanya, animo’y nakasama mo na rin ang batang ito, parang
nakilala mo na rin ang batang tinutukoy ko.
Hindi mo talaga masasabi kung
hanggang kailan lamang ang buhay mo. Kaya mas natutunan kong mahalin ito habang
may pagkakataon.
Rest in peace Sean Rodney Alejo…
Hindi ko man kilala ang estudyante mo sa dating ng entry mo ay may kakaiba sa batang ito. Sinabi mo Sir na bayani sya, sana ay maging buhay sa mga taong nakakakilala sa kanya ang isang tao na magiging inspirasyon nila.
TumugonBurahinenternal peace for his soul...
nakakalungkot naman ang post na ito bro. Pero sa mga binanggit mo patungkol sa kanya, marami na rin malamang ang nagawan nya ng kabutihan at bawat isa sa kanila ay magpapatuloy ng magandang ginawa nya sa iba. Sa batang edad, may legacy nang iniwan si Rodney sa atin. Prayers for his soul and for his family.
TumugonBurahinAwww... hindi ko akalain na naging estudyante mo pala dati si Rodney, ser Jep.
TumugonBurahinNakakalungkot yung nangyari sa kanila. Ang isang masayang field trip sana ay nabahiran ng trahedya. More prayers for him and his family.
Pareho tayo ng nararamdaman lalu na't naging mag aaral natin ang yumao. Tulad na lamang ng tsunami sa Thailand ilang taon na ang nakalilipas, apat na pamilya ang kilala naming naging biktima ng kalikasan. Isang taon kaming tahimik sa paaralan, walang activities o selebrasyon.
TumugonBurahin