"Wala bang ano? You know..."


Ika-03 ng Agosto, 2014
Linggo, 8:42 ng gabi


            Ngayong oras pa lang ako kakain ng hapunan… bale dalawang empanada (chili beef at tuna mula sa Yumpanada lols) at isang mug ng malamig at namumuong inumin na Milo! Napagod ako sa alay-lakad namin ni mudra… na medyo nakakainis mula umpisa hanggang gitna, bandang huli na lang ako medyo natuwa hahaha.

            Sa pagod ko, parang di ko na ramdam pa ang kumain ng ulam at kanin.

            Wala namang espesyal na nangyari sa aming lakad. Maliban na lang sa pagka-soplak ko sa mukha ng isang bata, syempre di naman sadya. Hindi ko naman kasi siya napansin habang naglalakad ako sa gitna ng maraming tao… bilang animo’y zombie ako kung maglakad, tumama ang aking galamay sa kanyang face, nung nilingon ko mukhang nasaktan siya kaya binilisan ko na lang ang paglakad hahaha. Bad!

            *ngumunguya habang naghihintay ng susunod na ita-type…*

            Ang masasabi ko lang… masarap naman ang tuna at chili beef flavor na empanada ng Yumpanada! Hindi ko alam kung gutom lang ako pero swak naman ang lasa, lalo na’t mainit-init pa. Pasok din ang Milo pampatanggal suya o pambali ng lasa.

            Food blogger na me? Lols…

            Wala lang… damang-dama ko lang na… ngayon ay nakikinig din ako sa “Different Sunday on Jam 88.3”. Try niyo… emote-emote ang peg… pero sa akin kasi nakaka-relax at nakakapag-muni-muni. Isa ito sa mga dahilan kung bakit parang ayokong matapos ang Sunday night!

            Ang dami ko na na-promote. Yumpanada. Milo. 88.3!

            Wala bang ano? You know!... kahit kaunting bagyo ng biyaya hehehe.


Mga Komento

  1. hahaha kaloka ang pagkakasopla sa fez ni bagets!

    TumugonBurahin
  2. gusto ko din ang yampanada lolz.

    TumugonBurahin
  3. ahaha, sana ser Jep with matching post ka ng piktyur ng yumpanada mo dito XD

    TumugonBurahin
  4. Check sa Jam 88.3! Sakin naman, I love the republic playlist every Saturdays :)

    Kawawa naman yung bagets! Nagulat din siguro sya. Hehehe

    Pancit canton and warm milo para sa maulang panahon :)

    TumugonBurahin
  5. 88.3? Hindi ba yan yung pilit tinatapatan ang Magic 89.9? Maka Magic pa rin ako. Sorry.

    Ok na food blogger ka. Unique. Pati pagnguya kasama. Hahaha!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hindi ko alam kung may tunggalian ang 88.3 at 89.9 hehehe
      Nakikinig din ako sa Magic, pero tuwing Sunday sa Jam 88.3 ako :)

      Next time ivi-video ko pa ang pagkain ko hahaha!

      Burahin

Mag-post ng isang Komento