Ika-16 ng Agosto, 2014
Sabado, 9:32 ng gabi
Gusto ko mang magpahaba ng buhok,
hindi naman pwede. Una, dahil sa trabaho… pangalawa, hindi naman bagay dahil
ang ayos-ayos ng buhok kong wavy. At
ang matinde nagkaka-alopecia pa ako
kaya ayoko rin ng sobrang ikli kasi makikita naman yung bald spot ko hahaha. Badtrip!
Kawawa naman si Aling Dionisia… nung
binalita sa tv na may boyfriend siya, nagngangalit ang
reaksyon ng isang matandang lalaki na may ari ng pagupitan kung saan ako
nagpagupit kanina. Nag-agree pa ang
babaeng nagpapaunat ng buhok sa kaliwa ko; ang bata naman daw ng bf ni Aling Dionisia, “…porty!”
Napa-react din tuloy ang naggugupit sa akin, pero kampi siya kay Mommy D…
“Eh anong gusto mong kunin niyang bf, 65 din
tulad niya? Ano makukuha niya dun? Ako nga boyfriend ko 23!”,
pagmamalaki ni Goldilocks (hahaha di ko
alam ang pangalan niya, eh bilang dilaw ang kanyang buhok kaya Goldilocks na
lang).
“@#$%^&* mo! Boyfriend mo 23?”,
pagkwestyun ng bitter na may-ari ng
pagupitan… wala sigurong lovelife
tulad ko hahaha.
“Ganun talaga, ‘pag may pera nilalanggam!”,
pagtatanggol ni Goldilocks sa sarili.
Nagmamatamis.
Nang magsaboy pala ng lovelife ang Diyos, nakasalo (o nakiagaw?) si Goldilocks at Mommy D ng
isa! Sige kayo na! Hahaha. Dahil ang
daming kwento at reaksyon ni Goldilocks
sa mga binabalita sa tv, inaantok na
talaga ako habang ginugupitan niya ako.
At nung makita niya yung bald spot ko –
“Ay oh stress! Stress ka sa work ‘no? Di
bale babalik din yan. Ano yan eh, ang tawag d’yan AL-PA-SYA, ay hindi ano pala
ALS-PE-SYA.”, salamat kay Goldilocks
at ibinunyag niya sa buong paligid ang bald
spot ko lols.
“…alopecia po.”, pagtatama ko. Ang
bait ko.
bait mo?!? mas mabait sya dahil sinabi nya ang totoo :-P
TumugonBurahinP.S. buti naman nagpagupit ka na..para di ka na magmukhang alam mo na..ayoko ng ituloy pa...ehem peace jepbuendia :)
ok lang magmukhang "alam mo na" :)
BurahinTry mo yung 'Novuhair' ba yun? Yung ine-endorse ni Ricky Reyes. :)
TumugonBurahinMahal kasi ang treatment sa 'Svenson'. Pang-artista ata...
naisip ko nga rin yan eh :)
Burahinmukhang mahal din, pagnagka-budget hehehe...
hahahaha... Reminds me of someone na may al-pas-ya... Lels...
TumugonBurahinWag masyado pa-stress :D :D Humanap na ng lovelife :) Hihihihi
kailan kaya niya ako makikita? hahaha
Burahinako pa ba ang hinahanap ng lovelife? lols...