"Iba pa rin kapag..."


Ika-05 ng Agosto, 2014
Martes, 11:09 ng gabi


            Matutulog na sana ako… kaso sa di ko malamang dahilan, bigla ko na lang naalala ang mga “kowtabol kowts” ni nanay nung nasa ‘hiskul’ pa ako.

            Kapag nakikita niyang naha-haggard na ako sa pagri-review para sa exam (at mukhang parte na ata ng buhay ko ang maging haggard hahaha) sasabihin niya –

            “Hay naku! Bukas ka na mag-review, gabi na! Wala nang papasok d’yan sa utak mo. Gumising ka na lang ng maaga, para fresh pa yang memorya mo; madaling-araw ka mag-review.”

            Tapus babanatan pa niya ng –

            “Ako nga nung nag-aaral ganun ginagawa ko!”

            Sa isip ko, “Weh? Hindi nga Ma?” hahaha. Pero sinusunod ko rin naman ang payo niya, at effective din naman. Kaya ngayon, lagi kong iniisip na mas okay na yung matulog ng maaga at gumising na lang din ng maaga kung marami kang gagawin. Mahirap kasing sundan ang panibagong araw ng puyat.

            At mahilig pang mang-asar ang nanay ko kapag naaaligaga na ako sa mga projects. Ilan sa mga linya niya ay –

            “Oh ano? Bakit ngayon mo lang ginagawa yan? Wala ka talaga! Ang haba-haba ng tinulala mo tapus ngayon nagkukumahog ka. Lagi kang LAS-MI-NIT gumawa.” *with ngiti at tawa niyang nang-aasar lols*

            Naiinis talaga ako noon kasi nagmamadali na nga akong tapusin yung mga ginagawa ko, tapus parang nadi-discourage pa ako sa mga sinasabi ng nanay ko hahaha. Pero ‘pag natapos ko naman at mataas pa rin ang nakuha kong grade sa project, ipinapakita ko yun sa kanya at sa loob ko gusto kong sabihin na “Kala mo ah!” hehehe.

            Wala lang. Siguro na-miss ko lang na pagsabihan ako ng nanay ko. Ngayon kasi na may trabaho na syempre ikaw na ang may hawak ng iyong oras, at hindi na rin naman ako bata (feeling lang). Ako na lang ang nagagalit sa sarili ko sa aking mga katamaran hahaha.

Iba pa rin kapag si mudra.


Mga Komento

  1. Hahaha! Ako hindi ko na mimiss ang masermonan. Kahit malapit nako mag 30 nasesermonan din ako. Pero iba na. Yung may halo pang drama at ang sasakit ng salita ng madir ko.

    Minsan nga hindi ako nakapunta sa church dahil mas ginusto ko pa ang matulog, she had to confront me na nagiging apostate na daw ako, na hindi nandaw ako nahiya, walng utang ng loob sa Diyos.... sinasagot ko nga minsan na sana naging adik na lang talaga ako o sana may bisyo talaga ako para may dahilan siya sa kanyang pananalita ng ganon. Hay nako. Sabi ko nga na soon bibigyan ko siya ng tunay na dahilan para maghingalo at magwala....

    Hay nako... hindi ko namimiss ang mga ganyan.

    Kapag mga magulang talaga ang nagsalita, tagos hanggang laman at kaluluwa.

    TumugonBurahin
  2. Na-miss ko tuloy bigla ang Mama ko... *hehe*

    TumugonBurahin
  3. Heheheh ganyan talaga mga nanay! Kung makapagpayo wagas. Sa totoo lang kaya ayaw kang mahirapan kasi sila ang nahihirapan. Kung lumingon ka lang non sana nakita mo siyang tumutulo ang luha sa tuwa... gandang memories!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Naiinis din kasi ang nanay ko sa aking katamaran kaya ganun :)

      Burahin
  4. Awts :( naalala ko noon na sinabi ng Mama ko, sabi nya noon mami-miss din daw namin ang pangaral nya sa amin...

    True enough nung nawala sya. Miss na miss ko na rin na pinagsasabihan nya ako... hayzt Iba talaga ang mga nanay.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Magigigng masaya na rin sila kung masusunod natin ang ilan sa kanilang mga pangaral :)

      Burahin
  5. Si Mama ang line nya ngayon..... " Ganyan kayo kasi malalaki na kayo."
    Hehehe...

    Oo, mas effective nga kpag madaling araw mag aral :)

    TumugonBurahin
  6. sabi nga nila mother knows best di ba? hehe
    oo bongga ang mga nanay best in sermon. haha

    nasabi na ba sa'yo ang klasik na, papunta ka pa lang, pabalik na ako?
    haha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ou narinig ko na rin yan! :)
      mula sa mga ate ko hanggang sa ako na yung ginagamitan niya ng linyang iyan hehehe

      Burahin

Mag-post ng isang Komento