"kung ako ay isang bumbilya..."


Ika-12 ng Agosto, 2014
Martes, 7:52 ng gabi


            Madonna and Child ang pamagat ng ikatlong kabanata ng Ligo Na U, Lapit Na Me ni Sir Eros. Hindi ko alam kung shunga lang ba ako para hindi mabatid kung bakit yun ang title ng chapter hahaha. Mas nag-focus kasi ako sa nilalaman nito. Sa bahaging ito ng libro ay unti-unti na ang pagbibigay ng mas detalyadong paglalarawan kung sino sina Intoy at Jen… basta ang natandaan ko sila ay… friends with benefits.

            Hindi ko alam kung paano ko natitiis ang mga kakulitan at kaaningan ng mga bubwit na hinaharap ko mula lunes hanggang biyernes… sa totoo lang gusto ko na silang dagukan isa-isa lols. Pero syempre bawal, mahirap na baka ma-TV patrol hehehe.

            Ang aga ko naman antukin… namimikit na ang mga mata ko habang ginagawa ko ‘to. Nga pala, kumakain ako ng comfort food kong potato chips at nagkakape para dagdag panunaw sa kinain.

            Animo’y isang himala na kapag may isang estudyanteng tamad o pala-absent ang nakuhaan ko ng output sa isang araw, iba ang feeling hahaha. Yung excited ka na matsekan ang papel niya para may maidagdag sa walang bahid dungis niyang score. Parang kaparehas ng pakiramdam ng pagkapanalo ng UP sa basketbol… kahit isa lang, okay na kaysa wala.

            Tinanong ko si Lawrence kung bakit napakatagal niyang lumiban sa klase, sa katunayan sa araw ng pagsusulit lang siya ulit pumasok, at kung hindi man mag-cutting, parang ganun din naman kahit nasa loob siya ng klase. Parang wala lang… tulad kanina.

            “Bakit ang tagal mong absent?”, naitanong ko sa kanya. Ang tagal bago sumagot. Nung makaisip na ang sabi – “Nagbakasyon po!”… aba matinde! Hahaha. Simula pa lang ng klase bakasyon na. Kaya itinuon ko na lang kay Vincent ang atensyon ko, isa rin ‘tong batang ‘to, kung ako ay isang bumbilya, punding-pundi na ako sa batang ito.

            “Vincent… hindi ka ba napapagod sa mga sumasaway sa’yo?”
           
            “Sir may sakit ako eh…”, hindi niya direktang sinagot ang tanong ko.

            Inulit ko ang tanong, “Hindi ka ba napapagod?”. Di ko na rin masyadong sinasaway ang batang ito dahil pakiramdam ko bugbog na ito sa mga pagsaway, mga salita at kung ano-ano pa… to the point na parang manhid na nga ito sa lahat ng sasabihin sa kanya.

            “Kailan matatapos yang pagsasaway namin sa’yo?”

            “Sa Monday sir, ay bukas Miyerkules!”, ay leche flan, naglolokohan na naman kami ni Vincent.

            “Alam mo matalino ka naman eh, kaso sinasayang mo”, yan na lang ang nabanggit ko (na labas sa ilong hehehe). Walang anu-ano’y biglang kumuha ng papel si Vincent, pumunta sa unahan at kinopya sa pisara yung pinapagawa ko (kinopya lang, hindi ko nakita at nasigurado kung sinagutan lols).

            Tinopak na naman ang batang si Vincent. Nagmaamo ngayong araw. Tignan natin bukas.


            Ayokong umasa. Baka ako’y ma-disappoint lang. Hahaha.

Mga Komento

  1. Mga Tugon
    1. at hyper pa KC (nakiki-KC na rin ako para close hahaha)...
      kung 'patola' lang ako sa bata malamang 'nga-nga' na ako :)

      Burahin
  2. Alam mo jep, nakakatawa ka sigurong magkuwento in person. The way you write is probably just the way you tell a story/speak to people. I will make it a point to meet you one day. For now, good luck sa pagtuturo. Kasama natin yan sa araw-araw ang mga eksenang ganyan.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Gudlak talaga sa mga kakulitan ng mga students...
      ngayon na lang ulit kasi ako na-assign sa mas batang year level kaya medyo nag-aadjust pa, nasanay ako na malalaki na yung kausap ko.

      sige sir jo kitakits kung kailan man yun :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento