Lumaktaw sa pangunahing content

"kung ako ay isang bumbilya..."


Ika-12 ng Agosto, 2014
Martes, 7:52 ng gabi


            Madonna and Child ang pamagat ng ikatlong kabanata ng Ligo Na U, Lapit Na Me ni Sir Eros. Hindi ko alam kung shunga lang ba ako para hindi mabatid kung bakit yun ang title ng chapter hahaha. Mas nag-focus kasi ako sa nilalaman nito. Sa bahaging ito ng libro ay unti-unti na ang pagbibigay ng mas detalyadong paglalarawan kung sino sina Intoy at Jen… basta ang natandaan ko sila ay… friends with benefits.

            Hindi ko alam kung paano ko natitiis ang mga kakulitan at kaaningan ng mga bubwit na hinaharap ko mula lunes hanggang biyernes… sa totoo lang gusto ko na silang dagukan isa-isa lols. Pero syempre bawal, mahirap na baka ma-TV patrol hehehe.

            Ang aga ko naman antukin… namimikit na ang mga mata ko habang ginagawa ko ‘to. Nga pala, kumakain ako ng comfort food kong potato chips at nagkakape para dagdag panunaw sa kinain.

            Animo’y isang himala na kapag may isang estudyanteng tamad o pala-absent ang nakuhaan ko ng output sa isang araw, iba ang feeling hahaha. Yung excited ka na matsekan ang papel niya para may maidagdag sa walang bahid dungis niyang score. Parang kaparehas ng pakiramdam ng pagkapanalo ng UP sa basketbol… kahit isa lang, okay na kaysa wala.

            Tinanong ko si Lawrence kung bakit napakatagal niyang lumiban sa klase, sa katunayan sa araw ng pagsusulit lang siya ulit pumasok, at kung hindi man mag-cutting, parang ganun din naman kahit nasa loob siya ng klase. Parang wala lang… tulad kanina.

            “Bakit ang tagal mong absent?”, naitanong ko sa kanya. Ang tagal bago sumagot. Nung makaisip na ang sabi – “Nagbakasyon po!”… aba matinde! Hahaha. Simula pa lang ng klase bakasyon na. Kaya itinuon ko na lang kay Vincent ang atensyon ko, isa rin ‘tong batang ‘to, kung ako ay isang bumbilya, punding-pundi na ako sa batang ito.

            “Vincent… hindi ka ba napapagod sa mga sumasaway sa’yo?”
           
            “Sir may sakit ako eh…”, hindi niya direktang sinagot ang tanong ko.

            Inulit ko ang tanong, “Hindi ka ba napapagod?”. Di ko na rin masyadong sinasaway ang batang ito dahil pakiramdam ko bugbog na ito sa mga pagsaway, mga salita at kung ano-ano pa… to the point na parang manhid na nga ito sa lahat ng sasabihin sa kanya.

            “Kailan matatapos yang pagsasaway namin sa’yo?”

            “Sa Monday sir, ay bukas Miyerkules!”, ay leche flan, naglolokohan na naman kami ni Vincent.

            “Alam mo matalino ka naman eh, kaso sinasayang mo”, yan na lang ang nabanggit ko (na labas sa ilong hehehe). Walang anu-ano’y biglang kumuha ng papel si Vincent, pumunta sa unahan at kinopya sa pisara yung pinapagawa ko (kinopya lang, hindi ko nakita at nasigurado kung sinagutan lols).

            Tinopak na naman ang batang si Vincent. Nagmaamo ngayong araw. Tignan natin bukas.


            Ayokong umasa. Baka ako’y ma-disappoint lang. Hahaha.

Mga Komento

  1. Mga Tugon
    1. at hyper pa KC (nakiki-KC na rin ako para close hahaha)...
      kung 'patola' lang ako sa bata malamang 'nga-nga' na ako :)

      Burahin
  2. Alam mo jep, nakakatawa ka sigurong magkuwento in person. The way you write is probably just the way you tell a story/speak to people. I will make it a point to meet you one day. For now, good luck sa pagtuturo. Kasama natin yan sa araw-araw ang mga eksenang ganyan.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Gudlak talaga sa mga kakulitan ng mga students...
      ngayon na lang ulit kasi ako na-assign sa mas batang year level kaya medyo nag-aadjust pa, nasanay ako na malalaki na yung kausap ko.

      sige sir jo kitakits kung kailan man yun :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...