Para Kay B (Hindi Ito Tungkol Sa Libro Ni Ricky Lee)


Ika-24 ng Agosto, 2014
Linggo, 9:05 ng gabi



            Ginawa ko ‘to kasi di kita binati nung birthday mo at wala rin akong binigay na regalo… alam mo naman medyo korni na ang dating sa akin ng mga ‘bertdey’ (senyales ba ito na matanda na ako? hehe). Lahat na lang nag-greet sa iyo nung araw ng birthday mo, meron pa silang surprise at regalo… samantalang ako umattend lang tapus ‘nganga’ hahaha.

            Sabi ko na nga ba, isa sa mga ‘special tactics’ mo yung pagbibigay mo sa amin (pati na rin sa iba) ng mga ‘surprise items’, para ‘pag birthday mo ramdam mong maraming makokonsensya kapag di ka binigyan ng regalo hahaha. Pero hindi… napaka-thoughtful mo kasing tao.

            Sabi mo –


            … ayan ang patunay na nahahawa ka na or parehas lang talaga tayong nakokornihan sa bertdey. Ang totoo, di sana ako pupunta nung biyernes kasi lagi akong present sa mga handaan ng kaibigan tapus ako di naman nag-aaya hahaha. Pero, dahil iba kayo (at kahit busy pa sa buhay-artista ko), ayan pinagbigyan ko kayo, mag-thank you ka lols.

            Pa’no ka ba nila makikilala (yun ay kung tyatyagain nilang basahin ang tungkol sa’yo hahaha)… uhmmm ganito –

            1. Siya lang ang bumubulong na nabubunyag din naman. Ang galing niya di ba? Tulad nung binulungan mo si Mary kung pinansin ba siya ni Patty… oh my gulay, pag lingon ko nalaman ko rin naman yung binulong niya hahaha.

            2. At bilang mapanlait ka sa katalinuhan ko, ibubunyag ko na ikaw lang ang nag-top 2 (tama ba?) na naging top 9 hahaha.

            3. Matutuwa ka rin sa mga isinusulat niya dahil siya lang ang gagamit ng linyang "...may sasabihin ako sayo.Sekreto lang to." Di nga? Sekreto nga ba? hahaha.

            4. At ikaw lang ang nagla-launch ng bagong version ng sarili, braver at bolder pa hahaha, at may 2.0 version pa, ikaw na! hahaha.

            Ayoko na nadagdagan baka masira lang ang ating pagkakaibigan hahaha. Tutal nabanggit ko na naman ang iba sa tula na binigay ko sa iyo noon (na itatago mo kasi pipirmahan ko yun ‘pag sikat na ako). Ganyan marahil ang tunay na magkakaibigan, naglalaitan! Lols.

            Bukod sa mga sulat (na nakatupi man o nasa loob ng capsule), maraming salamat sa mga binibigay mo sa amin. Maliliit na bagay na may malalaking kahulugan sa amin.

            Sa lamesa ko pala napadpad ang huling dalawang bagay na naibigay mo sa akin –


'Di na masyadong stressful sa lamesa ko
dahil nariyan na si Orang na laging naka-ngiti.
At ang kulay blue na sand clock ay ginagamit kong
pandagan ng mga papel hehehe.


            At heto naman ang pagbati namin ng hapi bertdey sa’yo –


Si Bayeng...
ang bubwit na bigla na lang sumulpot sa bahay.


Heypi Bertdey!!!


(Galing ako sa sarili kong roadtrip kanina, sinusunod ko kasi yung payo mo na lumabas man lang ako, kaya ayun nagpapaaraw na ako tuwing dapit-hapon hahaha, sobrang init kasi sa umaga o hapon… at pagbalik ko nga ay may bubwit na bumisita sa bahay kaya sinama ko na sa picture hahaha. Wala na itong edit o fan sign di kami marunong nun hahaha. Saka laos na yun sa pag-photobomb ni Bayeng lols.)

            Siya nga pala may ibibigay ako sa’yo… yun ay kung magkikita tayo hahaha.

            Ito ay Para Kay B… Budangzkie!!!


Mula sa iyong idol,
Jepoy hahaha


Mga Komento

  1. ahaha binasa ko ulit.. akala ko binasa mo na yung book yun pala may disclaimer ☺

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. pag masipag na ulit ako magbasa... tatangkain ko ang mga libro ni ricky lee :)

      Burahin
  2. Ang tema nito ay tunay na kabaligtaran ng PKB ni RL.

    Pag negative talaga, akala natin panlalait na, pero ang totoo, yun talga ang totoo, at maririnig lang natin yun sa mga tunay nating kaibigan.

    Masarap naman talaga magbigay, lalo na at random lang :D :D :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. may mga kaibigan lang talaga tayo na magaan sabihan ng mga panlalait hehehe :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento