Mga Pahina

Huwebes, Enero 2, 2014

Dirty Friend

Ika-02 ng Enero, 2014
Huwebes, 7:13 ng gabi

Binigyan ako ni dirty friend ng ganito…


Isang bote ng lalagyan ng gamot,
Ang nakasulat sa label ay…

DR. ARDIE PEREZ
FOR DEPRESSION, DIZZINESS
AND UGLINESS
“TAKE ONE CAPSULE A DAY!”
PATIENT: JEP BUENDIA

Hiyang-hiya naman ako
doktor na pala
ang kaibigan kong
mukhang konduktora
hahaha!
nagmumukha tuloy akong masama ngayon
pero ganun talaga ang magkakaibigan
naglalaitan! Lols
  
Sa loob nito ay makikita…


Mga capsules at isang sulat,
na nakatupi na parang isang damit
(na trademark na niya pag nagbibigay siya ng letter)

At buong akala ko ay ganun na lang yun,
matapos kong basahin ang sulat.
Akala ko talaga props lang yung mga capsules na yun.

Lumipas humigit-kumulang isang buwan,
mula nung ibigay niya yun sa akin.
Bigla kong naisip yung mga capsules sa loob,
bilang ako ay may sakit ngayon.

Naisip ko baka may pakulo sa loob ng bawat capsules
at heto ang nakita ko…


Sa bawat capsule pala ay may nakalakip na mensahe,
mga pampa-good vibes at pampalubag-loob ang nilalaman.
Susundin ko sana ang payo niya na 1 capsule a day,
pero ang totoo ay binuksan ko na lahat haha!

 Sa una kong nabuksan ang nakasulat-

“YABANG NI JEP IBANG LEVEL NA ANG PAGHO-HOST!
KEEP IT UP!”

At natawa na lang ako mag-isa,
kasi ayokong alalahanin yung mga program / activity sa school
na isa ako sa emcee / nag-host lol -
(Awarding of Certificate, Seniors’ Night, Graduation, Variety Show)
Yun yung isa sa mga bagay na di ko akalaing
Gagawin ko nung taong 2013!

Masaya ako na na-experience ko ang bagay na yun.
Pero ang di nila alam, sa tuwing maibibigay yun sa akin,
lagi kong tinatanung ang sarili ko-
“Bakit ako?”
“Wala na ba kayong ibang choice?”

Hahahaha.
But it was a nice experience!
(kahit medyo stressful at ka-pressure)
At ano naman kaya ang bago for 2014?

So, this is something that made my day.
Sana everyday okay! (yakult?)
And get well soon to myself.


P.S.
            Na-excite ako na ipaalam sa kanya na alam ko na na may mga kalakip na mensahe ang bawat capsule na binigay niya sa akin, kaya nagtext ako ng-

“Whahaha, now q lng nbuksan yung isang message s capsule,
Kala ko kasi props lng tlga yun, naisip ko kasi baka may message s loob,
Tapus meron nga, haha.
Anyway, ty.”

Then the dirty friend replied-

“ang tanga naman haha, bat ka ganyan?
Pinapatunayan mong bobo ka haha; akala ko pa naman matagal mo ng nbasa,
Baliw ka tlga..”

            So, ganyan ang makipagkaibigan sa amin, bawal ang bobo haha. Kung alam niyo lang kung anung sagot niya sa 9 x 7 at sa 20% of 150… magigimbal ka haha. Pasasalamatan mo si God na brainy ka pa rin lols.

8 komento:

  1. Mga Tugon
    1. nakakatuwa talaga kapag galing sa mga friends :)

      Burahin
  2. Ahahaha! This is such a great idea. I am thinking of doing the same for my best friends.... Hehehehe! happy new year!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. siguradong matutuwa rin ang mga kaibigan mo :)
      happy new year din!

      Burahin
  3. Ang sweet ng harshness.. Gagayahin ko sya. Idol ko na sya. And I suddenly miss my balahura friends... hihihi

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha baka matuwa po yun na may umiidolo sa kanya :)
      nakaka-miss po talaga ang mga kaibigang tunay! hehe

      Burahin
  4. Buti na lang hindi mo na-ingest ung capsules Sir, or else... lol :P
    belated happy New Year po :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. or else, hindi na siguro ako nagba-blog :)
      happy new year din sa'yo! *belated lols*

      Burahin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...