Missing Them, The Smiths, Inuman, New Year at Japan :)

Ika-01 ng Enero, 2014
Miyerkules, 9:45 ng gabi

Bigla ko lang naalala…

            Na-miss ko lang yung panganay kong ate. Sa kanya lang ako kumukuha ng maturity hehe. Ibig kong sabihin, siya yung ginagawa kong example sa kung pa’no ba maging mature. Dahil siya nga yung panganay, malaki na siya nung bata pa ako lols, kaya never ko siyang nakita as ‘childish’… sa tingin ko astig din ang buhay niya dahil mabarkada siya at maraming kaibigan, at higit sa lahat matatag.

            Kaya naalala ko na rin yung pangalawa kong ate. Hindi ko makakalimutan yung pagtuturo niya sa akin kung paano gamitin ang LCD (least common denominator) para ma-add ang dissimilar fractions, kaya ang yabang ko nung itinuturo na yun nung teacher namin nung grade 3 dahil alam ko na yung lesson haha. Na-miss ko na rin makipag-tadyakan sa kanya bilang siya lang naman ang pumapatol sa kaharutan ko nung bata. Damang-dama ko talaga yung flying kick niya na halos ikasira ng cabinet namin noon, ganun pala yung feeling ng lumipad sa ere literally.

            Syempre di rin pahuhuli yung pangatlo kong ate, siya lang naman ang ka-bonding ko sa pagbabasa tuwing gabi. Kaya siguro nahilig din akong magkwento dahil nakahiligan ko rin ang magbasa noon ng maiikling kwento. Dati tuwang-tuwa ako sa makakapal na libro ng ate ko sa Filipino nung high school pa siya kasi marami kang mababasa doon, di tulad ngayon, ang ninipis na ng mga libro. Kaya nung wala na rin siya sa bahay, parang nakakatamad na ang magbasa, kasi parang ako na lang ang gumagawa ng ganun ngayon. Siya lang din ang kaagaw ko nun sa dyaryo kasi parehas kaming matagal magbasa dahil binabasa namin lahat ng section sa dyaryo para lang mainis namin ang isa habang naghihitay sa kanyang chance makapagbasa ng dyaro lols.

            Ngayon kasi… iba-iba na ang priority nila sa buhay, dahil nga may mga pamilya na rin sila. Iba na rin ang mga usapan, di na kasing simple nung dati. Ngayon, yung mga makukulit nilang anak ang nakakasama ko kapag bumibisita sila sa bahay, na ayoko namang laging kasama dahil di na ako natutuwa sa mga kaharutan nila haha. Cute lang talaga ang mga bata kapag baby pa sila, pero kapag lumalaki na, nakakairita lols.

The Smiths…

            Nahihilig na naman ako sa mga awitin ng The Smiths. Para sa akin, sila yung foreign version ng Eheads. Di ko naman sila inabutan, dahil sumikat sila nung 80’s hanggang early 90’s. Nung napanuod ko yung The Perks of Being a Wallflower, dun lang ako nagsimulang maging familiar sa mga kanta kanila. Pero ewan ko, pakiramdam ko dati ko pa sila napapakinggan, siguro sa mga inuman nung mga matatanda sa amin hehe. Para silang astig na version ng The Beatles, ganun.

Speaking of inuman…

            Nung Noche Buena, nasa bahay ang pamilya ng ate kong panganay, habang kumakain, nag-iinuman ang tatay ko at ang aking bayaw, tapus inaya nila ako at hindi ko alam kung anung gagawin ko haha-

            Umeksena na lang yung ate ko ng- “Wala pa yan sa bokabularyo niya…(kahit 24 na ako haha) na muntik ko nang ikinasamid habang kumakain hahaha… Awkward!!!

            Ang weird pala ng feeling yung umiinom ka naman (occasionally) kapag kasama ang mga kaibigan o katrabaho, pero di mo alam kung bakit di mo yun magawa sa loob ng bahay kahit pa ang kasabayan mo naman ay mga kapamilya mo hahaha. Grabe naman din kasi sila mag-inuman, hanggang mabangag, di pa naman ganun ang level ko haha.

So kamusta naman ang new year?

            Uhm… hindi naman ako nag-expect ng todo-todo. Yung tipong paggising mo o pagsapit ng bagong taon pakiramdam mo dapat lahat ay bago na hindi naman talaga maaari. Natuto na akong tanggapin (I hope so) ang mga bagay na nandyan na, dahil kalendaryo lang talaga ang napapalitan pagsapit ng new year. The rest will depend sa mga gagawin at nais mo for this year!

JepBuendia
10:36 ng gabi

P.S.

            At hindi ko alam kung bakit lagi akong nakakapanuod ng docu about sa Japan tuwing bisperas ng bagong taon. Ganung oras din, mga 2 hours bago mag-new year, habang naghihintay. Last year ang napanuod ko ay yung tungkol sa pagsu-suicide ng mga Japanese, ngayon namang taon ay tungkol sa Love Industry sa Japan. Ang weird na hindi na pala gusto ng mga Japanese na mag-asawa at magkaanak kaya tumatanda na talaga ang kanilang population. Mas mabenta pa nga daw ang mga adult diapers kaysa mga baby diapers. At maraming mga kung anu-ano na lang na gawain ang meron para lang kahit paano ay ma-suffice nila ang kanilang need sa pagmamahal. Halimbawa, yung mga love dolls, virtual gf, mga pubs na binabayaran ang mga host/hostess para sa isang gabing kwentuhan, may mga place din para may makasama kang matulog at kayakap at marami pang iba, para lang dagli nilang mapunan ang kawalan ng karelasyon. Habang tumatagal tuloy, mas nagiging interesting ang bansang Japan sa akin.Ang unlad niyang bansa pero ang dami rin niyang kawirdohan. Bagay ata ako dun hehehe.

Mga Komento