Lumaktaw sa pangunahing content

Nakalalasing ba ang Rootbeer? :)

Ika-18 ng Enero, 2014
Sabado, 12:11 ng madaling araw

1. Masaya na ako kapag naisasalba ako ng musika at pagsusulat (pati na rin ng mga random quotes na nababasa ko) mula sa mga harsh realities ng buhay. Mahirap din kasing laging panatilihin ang sarili mo sa iisang mundo lang, minsan kailangan mong ikubli ang sarili sa isang lugar na ikaw ang maylikha nang sa gayon mabawi mo naman ang iyong lakas at mapanghawakan mong muli ang lahat ng katotohanang iyong tinanggap at mga prinsipyong dumadaloy na sa iyong katawan.

2. Napakahirap magdesisyon kapag napakadami mong iniisip. Minsan itutulog mo na lang o ilalamon ng marami haha (lamon talaga?).

3. Mahirap ding panghawakan ang mga salita. Dahil naniniwala ang mga tao na ikaw at ang iyong mga sinasabi ay iisa. Hindi mo rin masisisi. Yun lang ang paraan para magtiwala.

4. May lungkot at kaba sa ngayon. Pero nakaka-excite pa rin at the same time, depende sa kung paano mo titignan ang sitwasyon. Wala namang mali. Meron lang masyadong nadadala ng mga sabi-sabi ng ilan. Pero di naman sila ang nagpapatakbo ng buhay mo… hindi sila… kundi ikaw!

5. Inaantok na ako. I-rootbeer na lang ito. Cheers! Lols.


Rootbeer: My Anti-Stress Drink hehe...

Mga Komento

  1. Natawa ako kasi walang kinalaman ang rootbeer sa random entry mo haha! Walang connect lols!

    Tama ka! We always need a "Me Time" for ourselves. That time, where we just wanted to be alone and be care-free even for a short period of time, erasing all that our minds had been soaked to. It is important, kasi sabi mo nga, napagkukuhanan mo din ng panibagong lakas ang mag liwaliw muna ang iyong utak malayo sa mga current situations na meron tayo.

    Unclog your minds first before entertaining a decision. Dissect each issue and face them squarely. And yes, if di kaya ng madaliang pagde-desisyon, mas mabuti pang i deviate mo muna ang isip mo through doing something interesting o kaya kumain nga ng parang wala nang bukas haha.

    Whatever decision we choose to make, it's still up to us how we'll face it, shall we go on the negative approach or be into the world where optimism is. If I may say so, I choose the latter.

    Just stay on the positive. If people around you say that you didn't make the right ones, do not fret, it's you not them who will face it anyway. After all, what they have is only opinion and not facts. Go with your guts!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. wala po talagang 'konek' ang title haha, naitanong ko lang dahil nabanggit ko ang rootbeer sa last part lols :)

      salamat sa iyong advice sir jay...
      gudlak sa ating mga mithiin sa life! :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...