Lumaktaw sa pangunahing content

"Gray Matter"


Ika-09 ng Agosto, 2014
Sabado, 9:08 ng gabi


Pamagat:          “GRAY MATTER”
Ni:                    David I. Levy, MD with Joel Kilpatrick

            Ito ang unang libro na natapos kong basahin ngayong taon whahaha. Bakasyon pa nung nabili ko ang libro (sa Booksale, P155 lang), pero dahil sa ubod ako ng sipag magbasa, ngayon ko lang siya natapos (mga 30 minutes pa lang ang nakalipas) pati mga footnotes at epilogue!

            Ito ay hango sa totoong-buhay. Mga pangyayari sa isang neurosurgeon na si Dr. David I. Levy. Nagkaroon ako ng interes na basahin ang libro dahil sa linya nito na – “A neurosurgeon discovers the power of prayer… one patient at a time.”

            Nakaka-amaze basahin kasi para ka na ring nanuod ng mga “medical drama” tulad ng Grey’s Anatomy (minus the mahaharot part dahil walang ganun sa libro hahaha) o kaya ng House MD.

            At nakakatuwa kung gaano ka-detalye yung mga procedure na ginagawa kapag halimbawa ay may aneurysm ang isang tao; ang daloy ng kwento ay hindi nagmu-mukhang textbook na pang-medisina. Aliw na aliw din akong sa pagme-memorya ng mga medical conditions/terms na nababanggit sa libro. Sa mga unang chapter kasi buo pa ang pagkakasulat sa mga termino pero sa mga sumunod na kabanata ay naka-abbreviate na ito.

            Para siyang koleksiyon ng mga na-encounter na pasyente ni Dr. Levy. Mula mga bata hanggang matatanda, ‘from different walks of life’ ika nga. Damang-dama ko ang drama mula sa buhay ng mga pasyente at sa loob ng operating room. Ang pagiging matagumpay ng bawat operasyon at ilang pagkabigo. Mga pagdududa at pagkapit sa pananampalataya mo sa Diyos. Yung nari-realize mo kung gaano ka-diverse ang buhay ng mga tao. Lahat ay may pinanggagalingan, lahat ay may kanya-kanyang tadhana at kwento.

            Ang pinakamaganda marahil sa libro ay kung paano ginawang parte ni Dr. Levy ang pagdarasal para sa kanyang mga pasyente. Na yung bawat isa sa kanila, pati na rin siya, ay gumaling (although meron ding hindi) mula sa kanilang pisikal sa karamdaman kasabay ng kanilang paglago sa kanilang espirituwal na buhay.

            Parang “siyensya plus pananampalataya”. Ganun.





Mga Komento

  1. Yan ang maganda sa Medisina hindi inaalis ang pananampalataya sa lumikha at ang kapangyarihan ng Himala at ang pagtanggap sa kabiguan. Share mo naman haha

    TumugonBurahin
  2. lolz nung nabasa ko ito naalala ko agan ang utak... di ba may grey matter din doon lolz

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama :) dun rin ata hinalaw ang pamagat ng libro, bilang si Dr. Levy ay isang neurosurgeon...

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...