"Si Manong-Vibrato..."


Ika-15 ng Agosto, 2014
Biyernes, 8:22 ng umaga


Dear Neighborhood,

            Hindi ko alam kung sino-sino (o kung meron ba) ang nag-request para sa repeat ng inyong “all-star-weekend-outraging-videoke-performance”. Grabe pati weekdays nakopo niyo na, ang taas-taas na ata ng ratings at public demand sa inyo… kaya di na ako magtataka, madedemanda na talaga kayo hahaha.

            Kagabi di ako makatulog, sulit na sulit nga naman kapag kayo ay nag-perform. Kahit walang sumisigaw ng “more” aba “many-many-more” pa talaga ang peg niyo. At hindi lang yan, naunahan niyo pa ako sa paggising ngayong umaga dahil napuyat ako sa sapilitang pagtangkilik sa inyo. Wala na talaga akong masabi, ‘pag umaga rehearsal? ‘Pag gabi full-blast-hurricane-performance? Astig!

            Minsan, nagpapaka-positibo na lang ako sa ginagawa ninyo. Kahit nga hindi ko makita ang mga mukha ng nagsisipagkanta, memorize ko na ata ang mga dumadagundong ninyong tinig. Si Biriterang-Girl na kahit anong taas ng tono ay tiyak na aabutin… ipagsisigawan nyang abutin hahaha! Si Manong-Vibrato na daig pa ang kinukumbulsyon sa nginig ng kanyang boses. At si Nanay-Emo na punong-puno ng drama ang tinig at umaalon-alon pa ang tono. Kung ang pag-awit ni Nanay-Emo ay maituturing na isang cover, tagong-tago na talaga ang orihinal na bersyon ng kanta hahaha. Minsan pa nga may mga guests pa kayo, yung tipong “aba-ngayon-ko-pa-lang-ito-narinig-ah”.

          Sa kabilang banda, nakatutuwa rin minsan kapag naririnig kong nag-i-improve na ang inyong mga boses; binibigyan niyo ako ng pag-asa na baka gumanda rin ang boses ko kapag sumapi ako sa inyong club.

            Hanggang sa mga oras na ito ay puspusan pa rin ang pagri-rehearse ninyo. Kailan ba ulit ang susunod? Mamayang gabi? O para ba ito sa sabado at linggo? Nakaka-excite naman ang kagilagilalas, punong-puno ng gilas, kulang na lang maglaslas hahaha!

            O siya… die-hard-fan niyo na ako. Di na ata kayo malalaos. Taon na rin ang itinagal ng bisyo niyong ito… and still counting many years! Forever and ever!

            Videoke ba ka’mo? It’s MOREST (superlative form ng more hahaha) fun in the Philippines!


Your neighbor,
Korta Bista  (with love and hatred)


Mga Komento

  1. Nang mag stay ako sa Manila for three days eh hindi ako makatulog dahil maingay sa lugar namin. Maraming bumabarurut na sasakyan at motorsiklo. Nasanay na kasi ako sa katahimikan dito. Ang maririnig mo lang eh ang AC o ang tahol ng aking aso kapag ito ay nagulantang. (Katabi ko pa namang matulog) Dapat may batas tungkol sa noise level. Pag sapit ng 10 ng gabi, dapat logstu na lahat, wala nang bibirit pa. Ang magingay, ipakain sa buwaya, marami niyan sa gobyerno, ha,ha,ha.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Mahilig kasi sa 'party-party' ang mga tao dito sa amin Sir Jo :)
      At may bonus pang 'drama' ng habulan at hamunan kapag medyo nalalasing na sila hahaha.

      Burahin
  2. Anoberrr... Morest tawa levels din ako while reading this. Hahaha..
    Kapag nag bivideoke kami sa bahay, sarado ang lahat! Lols. Kakahiya kasi sa neighbors :P

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. dapat cher kat ipinarinig mo na sa mga kapitbahay mo ang iyong tinig :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento