Ika-10 ng Agosto, 2014
Linggo, 7:57 ng umaga
Pamagat: “LIGO
NA U, LAPIT NA ME”
Ni: Eros S. Atalia
Unang kabanata pa lang, na-hook (or
nahayok hahaha) na agad akong basahin nang tuloy-tuloy ang libro, pero
pinigilan ko ang sarili ko, ayoko matapos agad ang binabasa ko. Naisip ko, mas
mabilis ako magbasa ng tagalog kumpara mga ingles na babasahin. Lalo na sa
estilo ng pagsusulat ni Sir Eros, simple lang at madaling maintindihan at
nakaka-relate ang madlang pipol tulad ko. Kapag ingles kasi, naiinis ako kapag
may salitang noon ko pa lang na-encounter hahaha,
kahit pa alam ko naman ang kahulugan sa pamamagitan ng contextual clues (na turo ng
English teacher ko nung high school), hindi ko matiis na hindi hanapin ang
eksaktong kahulugan niya kay Merriam.
Ngayong araw, unang kabanata pa lang
ang binasa ko – Himagsik at Lantik ng Physics. Bilang science major (daw),
naka-relate agad ako sa unang parte
ng kwento… ang paggamit ng “index card”
para sa mga formula na magsasalba sa
iyo sa exam. Naalala ko kapag exam
namin sa Physics, bukod sa lamang ang
may nabasa at talino, yamado ka rin kapag kumpleto ang set of equations ng index
card mo! Hahaha.
Saka yung moment na kapag tapos na yung exam,
bigla na lang susulpot ang “tanungan-here-tanungan-there”
portion na pagkukumpara ng mga sagot, na matutuwa ka na kapag may kaparehas
ka ng sagot, basta parehas kahit di muna tama hahaha. Ang saya ng unang kabanata, parang nakita kami ni Sir Eros nung nag-i-exam kaming mga magka-klasmeyt at bigla na lang niya ikinuwento.
Ganun.
“Nong ideal d8 mgsuicide?” – tanong
na Jen kay Intoy. Na ang daming rason ang ibinigay ni Intoy, na lahat na lang inirason, pero wala naman siyang
na-rekomendang araw o buwan. Di ko alam kung sadyang ganun para pahagip na
mapigilan ang balak ni Jen.
Excited
na ako sa next chapter. Sa mga
nakabasa na. Kayo na. Lols.
may movie yan ah panuorin mo..may pangalawang book na din nakalimutan ko lang yung title..mga hilig mo talaga jepbuendia oh haha :)
TumugonBurahinikwento ko sayo katapusan haha :)
abaha himala hahaha :)
Burahinayoko muna panuorin ang pelikula, tatapusin ko muna ang libro...
Aabangan ko na lang muna ang review mo bago ko basahin hahaha!
TumugonBurahinWag mo na antayin sir, maganda talaga basahin ang libro. :)
BurahinDi pa ko nakakabasa ng Eros Atalia na book! Antay ko ang iyong review :D
TumugonBurahinPangalawang book pa lang ito na nabasa kong isinulat ni Sir Eros :)
BurahinTry mo Cher Kat, nakaaaliw na nakamumulat ang mga libro niya.