Lumaktaw sa pangunahing content

“Nong ideal d8 mgsuicide?”


Ika-10 ng Agosto, 2014
Linggo, 7:57 ng umaga


Pamagat:          “LIGO NA U, LAPIT NA ME”
Ni:                      Eros S. Atalia


            Unang kabanata pa lang, na-hook (or nahayok hahaha) na agad akong basahin nang tuloy-tuloy ang libro, pero pinigilan ko ang sarili ko, ayoko matapos agad ang binabasa ko. Naisip ko, mas mabilis ako magbasa ng tagalog kumpara mga ingles na babasahin. Lalo na sa estilo ng pagsusulat ni Sir Eros, simple lang at madaling maintindihan at nakaka-relate ang madlang pipol tulad ko. Kapag ingles kasi, naiinis ako kapag may salitang noon ko pa lang na-encounter hahaha, kahit pa alam ko naman ang kahulugan sa pamamagitan ng contextual clues (na turo ng English teacher ko nung high school), hindi ko matiis na hindi hanapin ang eksaktong kahulugan niya kay Merriam.

            Ngayong araw, unang kabanata pa lang ang binasa ko – Himagsik at Lantik ng Physics. Bilang science major (daw), naka-relate agad ako sa unang parte ng kwento… ang paggamit ng “index card” para sa mga formula na magsasalba sa iyo sa exam. Naalala ko kapag exam namin sa Physics, bukod sa lamang ang may nabasa at talino, yamado ka rin kapag kumpleto ang set of equations ng index card mo! Hahaha.

            Saka yung moment na kapag tapos na yung exam, bigla na lang susulpot ang “tanungan-here-tanungan-there” portion na pagkukumpara ng mga sagot, na matutuwa ka na kapag may kaparehas ka ng sagot, basta parehas kahit di muna tama hahaha. Ang saya ng unang kabanata, parang nakita kami ni Sir Eros nung nag-i-exam kaming mga magka-klasmeyt at bigla na lang niya ikinuwento. Ganun.

            “Nong ideal d8 mgsuicide?” – tanong na Jen kay Intoy. Na ang daming rason ang ibinigay ni Intoy, na lahat na lang inirason, pero wala naman siyang na-rekomendang araw o buwan. Di ko alam kung sadyang ganun para pahagip na mapigilan ang balak ni Jen.

            Excited na ako sa next chapter. Sa mga nakabasa na. Kayo na. Lols.


Mga Komento

  1. may movie yan ah panuorin mo..may pangalawang book na din nakalimutan ko lang yung title..mga hilig mo talaga jepbuendia oh haha :)

    ikwento ko sayo katapusan haha :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. abaha himala hahaha :)
      ayoko muna panuorin ang pelikula, tatapusin ko muna ang libro...

      Burahin
  2. Aabangan ko na lang muna ang review mo bago ko basahin hahaha!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Wag mo na antayin sir, maganda talaga basahin ang libro. :)

      Burahin
  3. Di pa ko nakakabasa ng Eros Atalia na book! Antay ko ang iyong review :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Pangalawang book pa lang ito na nabasa kong isinulat ni Sir Eros :)
      Try mo Cher Kat, nakaaaliw na nakamumulat ang mga libro niya.

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...