Ika-11 ng Agosto, 2014
Lunes, 7:46 ng gabi
Kaninang umaga ay katatapos ko pa
lang basahin ang ikalawang kabanata ng libro ni Sir Eros na Ligo Na U…
ang pamagat ng chapter two ay – Got
to Believe in Ethics.
Sa totoo lang hindi pa masyadong
nagsi-sink in sa akin ang karakter ni
Intoy… kasi sa mga pahayag niya
pakiramdam ko si Sir Eros pa rin ang
nagkukwento… napakanatural lang kasi ng daloy. Hindi ka maninibago, parang dati
mo na ring kakuwentuhan ang nagsasalaysay.
Nakakatuwa kung paano niya diniscribe ang karakter ni Ma’am Ethics… na malayo naman sa naging prof namin noon sa BioEthics. Mas malaya kami kay Ma’am
BioEthics kumpara kay Ma’am Ethics
ni Intoy.
Masaya
yung subject namin na yun, lalo na
kung may debate na nagaganap.
Nakakaaliw panuorin ang mga klasmeyt ko na nagtatalo sa kanilang mga ideya.
Minsan parang kuntento na akong makinig sa kanila, lalo na dun sa mga klasmeyt
ko na noon ko lang din naringgan ng opinyon o ideya, yung mapapabilib ka na “aba may punto siya” na di mo inakala hahaha.
Ang
paborito ko sa kabanatang ito (Got to
Believe in Ethics) ay yung iba’t ibang social
issues na nabanggit dahil lamang sa usaping “himala”. Da best yung part na bakit nga ba walang nagra-rally para pigilan ang mga pagra-rally? Lols. Napa-“oo nga ano”
ako… kaso ano naman ang ipinagkaiba nila sa mga nagra-rally eh nag-rally din
naman sila, yun nga lang ang punto ng kanilang pagra-rally ay para pigilan ang pagra-rally
hahaha… ewan.
Saka yung bakit walang mga atheist na nagtitipon tuwing linggo at
magbabahay-bahay halimbawa para magpatotoo kung paano nabago ang kanilang buhay
mula nang sila’y maging atheist hahaha…
ilan lamang ito sa mga makukulit na ideya ni Sir Eros.
Oh siya… sa ibang araw na lang ulit
ako magbabasa.
Ang ikinaiirita ko lang ngayon ay ang
walang katapusang “bukas” ng mga
estudyante sa pagpapasa ng dapat nilang maipasa. Hanggang kailan may bukas?...
Ayy di ko pa nababasa tong book na ito >.<
TumugonBurahinBut based naman sa review mo ser Jep ay maaaliw ako dito kapag nabasa ko ^^
Natawa din ako dun sa nagra-rally. Kase nga, pag may nag-rally para pigilan ang mga nagra-rally, eh RIOT ang kalalabasan lol
maganda ang libro sir fiel-kun :)
Burahin(kahit di ko pa tapos basahin) nirerekomenda ko ito sa'yo hehehe
Prof mo si ser eros? ;p
TumugonBurahinhindi...
Burahin(feeling close lang hahaha)