11:16 PM 1/3/2025
Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang
kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi.
Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face
classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung
pag-resume agad ng klase? Hindi.
Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko
sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung
collection ko.
Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad
lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal
achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng
MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi
pa kami nakapag-bind, umay na hahaha). At dati, inakala ko, kapag
nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako?
Ewan.
Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng mangyari, makamit, pero
yung mga chances or opportunities ata ang wala o kulang o hindi ko magawa. Sana
naman makakilos. Kahit pa, paisa-isa. Nakakatakot ding maging stagnant.
Chinarge ko yung digital na weighing scale, pakiramdam ko
kasi talaga eh tumaba ako. Pinakamabigat kong timbang ay 70 kg ata, kanina
pagtimbang ko 68.95 kg. Lagi namang 69 kg yung timbang ko pero feeling ko tumaba
talaga ako, o lumilipat lang talaga sa mukha ang taba, at sa tiyan haha.
Nakagawian ko nang tumambay sa mga live ng iba, nakikigulo,
nakikipagkwentuhan. Naalala ko dati nung nagsusulat, nung tinatapos ko yung
thesis, sa kanila ako lagi nakikitambay wag ko lang ma-feel na ako na lang
mag-isa ang gising sa bahay. Katamaran ko rin kasi, sobrang-OA na. Hindi ko nga
alam paano ko nairaos yun, o talaga bang kapag cramming time ako nakakapag-isip
at nakakagawa, at sa dulo nakakalusot naman.
Nag-aalala ako sa likod ko, baka may scoliosis na ako. Napapansin
ko kasi na kapag hindi ako aware sa posture ko eh para bang nakatabingi akong
nakaupo. Pero sa latest ko namang x-ray, wala namang ganun. Mali lang talaga
siguro akong maupo.
Habang tumatagal, nagiging mata o target na rin ng marami
ang promotion. Kahit ako, gusto ko yun eh hahaha. Pero, ewan. Nakaka-eme ang sistema.
Para kang nag-checklist para sa promotion at hindi dahil sa ibinigay mo na yung
makakaya mo sa mga bagay na dapat naman talagang ginagawa mo. Parang laro na lang.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento