Ambakkk

11:51 PM 1/1/2025

Iniisip ko dati na dapat ay perfect kong masimulan ang unang araw ng bagong taon. At ang ginawa ko? Natulog, hahaha. The unbothered older me ay mas priority ang matulog maghapon, but hopefully I can change that. Yung mga tasks na naisip kong gawin nung Christmas break ay hindi ko naman talaga nagawa, pero at least naisip ko sila, hahaha. Dati I get anxious sa mga naisip kong gawin na hindi ko nagawa, pero ngayon, parang wala na akong pake. Kaya nga bakasyon eh.

Marami pa akong dapat ayusin sa kwarto ko. Nag-sort pa lang ako ng konti, pero marami na akong naitapon. At feeling ko, marami pa rin akong itatapon pa. The old version of me na mahilig mag-keep ng mga bagay-bagay (na inaakala niyang memorable, mahalaga, at magagamit sa future) ay itinatapon na lang ng current version of me (na piling-pili na lang ang itinatabi).

Ngayon, sa unang araw ng bagong taon, ay pinili kitang balikan blogosphere, since wala pa namang pumipili sa akin, hahaha. Pokemon ka bhie?

Yun lang. I am grateful.

Mga Komento