Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :)
"sa telepono, may tumatawag.
ang telepono, sagutin natin!
sa telepono, may tumatawag!
may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong kung saan."
hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas.
goooooo wonder pets, yaaaaaay!
Punuin Natin ang Board:
Ang gulo lang ng sulat di ba?
Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object...
I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board...
nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthusiasm... lol :) at kung anek-anek pa, may maisulat lang :)
ganyan kaloko ang mga hiskul studz ngayon, kung seseryusohin mo, matatalo ka lang... so 'ride-ride' na lang minsan para bawas stress :)
anyway naging masaya naman ang aming 'brainstorming' lol :)
May humirit pa na,
"Sir, pwede ko rin ba isulat yung X-factor? Tama rin yun di ba sir?"
Dedma lang ako, isang *matamis* na ngiti lang ang aking ganti, pero sa loob ko, gusto kong sabihin na,
"Eh kung malaking X at malakas na tama, gusto mo ba?" *salbahe* :P
yang wonderpets ang ringtone ko sa aking phone. sakto lang kasi..... sa telepono...may tumatawag... ang telepono... sagutin natin... :p
TumugonBurahinparang ang cute nga if wonder pets ang ringtone :)
Burahinhahaha. beauty at pain at enthusiasm. Good luck sayo. hehe.
TumugonBurahinmasyadong mahihiwaga ang kanilang mga sagot lol'
Burahinkala ko nung una lecture mo sasabihin ko sana kung ako student mo di na ko makikinig sayo at da-daldal na lang dahil ang gulo ng board. haha!
TumugonBurahinnyway, nag ganyan din kami dati at di nabasag yung sa amin dahil may shock absorber kaming nilagay. yung crumpled papers na bilog bilog madaming ganun nakapalibot sa egg bago balutan ng isang malaking papel pabilog.. haaaay! kakamiss talga mag aral
haha actually, ganyan din kaganda ang sulat ko sa board :)
BurahinWow, na-feature pa po talaga sa blog mo ung board namin! Hahaha, sikat na siya. :P Sir, tama po ba ung sagot ko? Pressure? LOL :)
TumugonBurahinpa-extra extra din ang board' :)
Burahinhahaha pwede pa-bluetooth nung ringtone ni khantotantra..hahaha anyway..! lol miss ko na din ang wonderpets.. ang effective niya sa mga bata (na katulad ko) dahil dalawang episode pa lang yata alam ko na ang lyrics ng kanta nila hahahaha...
TumugonBurahinat sabahe sir ah!!! hahahaha.. pero tama yan..bawas stress.. pero salute you!! mga highschoool pala hawak mo ngayon.!
i agree, bigla ko rin naisip na gawing ringtone yung kanta ng wonder pets :)
BurahinWahaha, naki-kanta ako sa wonderpets! Alam ko din english nyan! haha, nagyabang na parang bata!
TumugonBurahinMay ganyan activity din kami nun hs, parachute ginamit pero nabasag pa din, hehe! Pang-Miss Universe sagot nun ibang students mo, kulang na lang ng world peace :p
haha tama kulang na lang world peace :)
BurahinHindi ba mahirap magturo ng high school. I wanted to try university, baka, in a few more years. Patience is a great virtue and you have it. Keep it up!
TumugonBurahinmedyo mahirap din kasi pasaway talaga yung iba, pero ewan ko ba kung bakit kahit pa'no eh napagtyatyagaan ko... *no choice?* :)
BurahinOnteng tiis pa sir sa paghubog ng mga pag-Asa ng bayan hihi :)
TumugonBurahinnaisip ko nga eh kung modeling clay lamang ang mga students eh di sana matagal ko na silang nahubog *pa-deep*
Burahinhaha ang kulet eeh, mga estudyante nga nmn
TumugonBurahinsuper sa kakulitan *kahit hiskul na* at kalokohan
Burahinhindi ako makarelate sa wonder pets haha...
TumugonBurahinhindi talaga ako pwedeng maging teacher wala talaga kasi akong tyaga sa mga makukulit na students katulad ko baka maubos dugo ko hahaha...
talaga? sayang di mo kilala ang mga wonder pets'
Burahinnakakaubos din talaga ng pasensya kung minsan...
Nag trip ako ngayong araw sa blogosphere at binisita lahat ng mga blogs. napadpad na ulit ako dito. Tagal din ako di nakabisita.
TumugonBurahinMinsan talaga ko ang sarap patulan ng mga estudyante. Sinasabi ko ito, hindi dahil sa teacher ako kundi dahil sa ako ay isa sa mga lecheng pilosopong matapobreng estudyante. Hahaha! I asked God to forgive me for being such a pain in the ass to my teachers. Bilang ganti naman ipinakita ko talaga na I liked their subjects at nag-aral ako nang mabuti, bago ako tumalon sa depression at ibinagsak lahat ng subjects ko for no reason. Trip lang. Ayun napag-tripan din yung pagiging honour student ko. Eto na naman ang drama ko.
Anyway, wala pa rin akong naintindihan sa kwento mo sir. Physics ba yan o philosophy? Whatever. Hehehehe....
Siguro absent noon ako noong nag demo ng ganyan ang prof ko.
haha alam mo kung mababasa lang ng mga dati mong guro ang iyong komento, matutuwa sila na yung dating 'lecheng pilosopong matapobreng estudyante' na tulad mo *sabi mo yan ah* ay nagawang baguhin ang sarili :) i'm sure di na sila badtrip sa iyo ngayon :)
Burahinang effort nga naman ng mga teacher sa pagsasaway at pagpapatino sa mga students minsan ay di kaagad nakikita ang result, makikita lang ang resulta kung natuto na silang ma-realize ang mga bagay-bagay sa buhay *pa-deep effect ako*
physics yun sir :) nagmukha lang philosophy dahil sa mga 'pilosopong' sagot ng mga students :)