Lumaktaw sa pangunahing content

Tado & Shomba Tandem

BUK-REPORT: Tado Jimenez, Ang Ikatlo sa Huling Libro (part 1)

Feeling book review? Yung totoo natawa ako ng maisipan ko 'to kasi di ko naman talaga 'to ginagawa, tapus ngayon ito pang libro ni Tado ang una kong gagawan ng mala-book report :)

Sa unang bahagi ng libro mababasa ang kanyang "100 Must Do's Before I Die". Tapus, hinimok niya ang kanyang mambabasa na gumawa rin ng sarili nyang 100 must do bago mamatay... pero dahil kulang ako sa oras para isipin ang ganoon karami, ito ang first 10 na pumasok sa aking isip:





1. Makasali sa Survivor at ma-haggard ng todo sa mga challenges.
2. Makapasok sa bahay ni Kuya para ma-testing kung ako ba ang una at agad-agad na mai-evict or kung masi-save ako ng boto ng bayan :)
3. Sumali sa Olympics :) *kahit flag bearer na nga lang*
4. Makapagsulat ng libro.
5. Makapag-aral sa Germany at maging isang scientist.
6. Manirahan sa iba't ibang lugar kada linggo.
7. Maging part ng isang documentary team.
8. Magkaroon ng role sa isang indie film :)
9. Magpakulay ng buhok at magbago ng hairstlye every month.
10. Magpaampon sa isang royal family :)

At kung anu-ano pa, sayang marami pa akong naisip kaso sabi ko first ten lang eh tsk'
Napaka-ambitious ko talaga mag-isip... eh minsan lang naman ang mga ganyang tanong, so kelangan sagot na ng todo. *kahit malayo sa realidad* :)

'Kaw? Anung nais mong gawin or ma-experience bago mawala sa mundo? :)

x-o-x-o-x

Sept. 15 Saturday- Sabi nung co-teacher ko, panuorin ko daw yung thai movie na 'Coming Soon' kasi nakakatakot daw talaga. Eh mahilig ako sa horror, kaya yun pinanuod ko sa youtube... kakabadtrip yung mukha sa Shomba. Actually yung mga part lang na may 'Shomba' yung pinanuod ko, kakatakot eh saya panuorin lol :)

Mga Komento

  1. Masaya gumawa ng bucket list. Ako nga every year. hehe.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. minsan kasi nakaka-pressure eh :) yung tipong kailangan mo talagang magawa yun... kaya minsan ang motto ko ay: "come what may"

      Burahin
  2. masya yang coming soon. whahahaha.

    At hanep sa bucketlist, gusto ko din makasali sa survivor.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. naku sana nga makasali tayo :) *super asa* tapus kampi tayo ah para di tayo agad ma-voted out :)

      Burahin
  3. nakita ko ung libro. hehehe. di ko nagustuhan ung sulat niya. hahaha ang naappreciate ko ay ang nagbigay sa akin ng libro'ng yan :D

    TumugonBurahin
  4. haha aus ung list mo ha
    ung coming soon want din nmin panuorin kaso wa kami makita

    TumugonBurahin
  5. saya gumawa ng mga ganyang listahan..pero mas masaya kung matutupad hehe..anu yung shomba?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. i agree... mas masaya talaga kung matutupad :) si shomba pala yung nakakatakot na karakter sa 'coming soon'

      Burahin
  6. Mabilis magawa yung numero 6. Makitira ka sa mga kaibigan mong nakatira sa Caloocan, Q.C., Makati, Batangas, atbp. Kada linggo. Gagawa din ako ng listahan, listahan ng mga may utang sa akin, lol!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha listahan ba kamo ng utang? naku matagal-tagal din matupad na mabayaran yan :)

      Burahin
  7. ako gusto ko maging mutant as in yung may powers ah parang sa xmen. matagal ko ng pangarap yun eh bata pa lang ako gusto ko na maging mutant. hahaha!

    di ako masyado natakot diyan sa coming soon na kornihan ako pero maganda ang twist ng story :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hmm... gusto ko rin yun ah, ang gusto kong power ay ang kakayahang bumasa ng iniisip ng tao :)

      sapat lang din ang takot effect sa akin ng coming soon'

      Burahin
  8. Mabisita ko lahat ng blogs at lahat ng yon dapat may komento akong iiwanan. Hindi madali yon daba?

    TumugonBurahin
  9. ako? gusto kong matupad lahat na nasa list mo :0 answeet ko diba.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...