Bagong Bihis :)



Hayan! Bagong bihis na ang blog ko :) Simple at malinis, ganun lang. Wala nang halong 'eklabu' lol :)

'Anyare?

Hangtagal ko rin di nakapag-post. 'Lam mo na, buhay bayani na naman. Iniaalay ang buong puso at talento para sa kabataan. *bola*

Grabe ang eksena ng buhay ngayon. Yung tipong kelangan mong kumilos bawat segundo dahil kung hindi, lagot na, tepok na ako sa mga deadlines... well, wala naman na akong kawala, umpisa pa lang huli na ako... so 'habulan' na naman ang laro ko.

Hapi 1st Aniblogsery!

Parang ang korni lang :)  Sept. 4, 2011 nang gawin at una akong mag-post *nang walang kwenta* sa blog na ito. Tapus nag-1 year na pala siya... at wala man lang akong aniblogsery post nung araw na yun dahil nilupaypay ako ng mga gawaing pang-haggard :) Kaytamis na leche flan :)

BukBukin:

Nung nakaraan pala ay bumili ako ng libro ni Tado. Sa kabutihang palad, ayun may balot pa rin siya at di pa nabubuklat. Pati libangan ko na pagbabasa ay di ko na nagagawa. *hard life*

Kaya, ngayong araw talaga ay minabuti kong maging 'tulala creature' para bukas *after ng pahinga bilang tulala* para na naman akong 'tornado' na paikot-ikot at walang tigil sa kakagawa.

Haggardness Level: Pang-Master's Degree :)



                                                                                                                                                               

Anecdotes:

Aug. 30 Thursday- Araw ni Marcelo H. del Pilar ngayon kaya walang pasok. Mas naging busy pa ako sa bahay at internet kaysa mga bagay na dapat gawin. Nga-nga.

Sept. 2 Sunday- Toxic ang araw na ito! Kulang ang 24 oras para sa lahat ng dapat matapos at isipin. Kapagod. Sobra.


Sept. 3 Monday- Wala na bang katapusan ang mga trabaho? Gula-gulanit na ang aking pagkatao lol :)


Sept. 4 Tuesday- Kelangan ko na ng super proxy... s'ya nga pala, hapi 1st aniblogsery sa 'kin, tsk' di man lang makapag-post, bc eh.


Sept. 5 Wednesday- Haggard sked pa rin, pero ewan ko, feeling ko ok lng ako ngayon... nadaan siguro sa kape.


Sept. 6 Thursday- Pindot ng pindot sa netbook. 'Lang sawang pindutan para sa grades. Wag naman sana mag-welga sa kinahinatnan na kanilang grado tsk'

Sept. 7 Friday- TGIF! woooh'

*see? hanggang anecdotes na lang ang nagawa ko nung mga araw na ito*

Tanong:

Ikaw? Anung level na ang pagiging haggard mo?
kung di ka haggard ngayon sa buhay, kaw na pinagpala :) 

Mga Komento

  1. - ayun, mas naging memory efficient na ung blog mo Sir, sabi po ng cellphone kong Nokia C1-01 :) Hindi na rin ako nakapagupdate ng blog dahil sa dami ng work. :|
    - Haggard din po kami sir. Gigising ng 5 AM, papasok ng 6 AM, uuwi ng 5:20 PM, dadating sa bahay ng 6 PM, matutulog ng 10 PM, dahil sa dami ng assignments at ang iba pang kailangang gawin. In my opinion, mas maganda pa po ung Saturday classes kaysa ganito. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama ka, dahil sa sked natin na daig pa ang nag-oopisina at mga college students, nahihirapan na rin ako, halos buong araw na ako nagtuturo at 12 hours na rin ang inilalagi ko sa skul, anu na naba ang bahay namin? tulugan na lang? :P saka lagi na rin akong puyat, anu ba ako? super hero? anu ba tayo? robot na di napapagod? mag-welga tayo!!! lol :)

      Burahin
  2. Ayiee maligayang unang anibersaryo sayo at ang magiting mong blog, mabuhay kayo apir! Ganda nga ng gayak mo gustong-gusto ko, san nga ba ang patungo? Haggard? May hahaggard paba sa akin, kararating lang galeng sa sobrang stress na duty tas kelangan ng matulog kaagad dahil gigising pa ng maaga para pumasok bukas para stressin lalo.. go! Di naman ako nagrereklamo noh, nagpapaliwanag lang :P

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ako rin, di naman ako nagrereklamo, napapagod lang talaga ako' tsk'

      Burahin
  3. wow happy anniversary sir jep ok din bagong bihis ng blog mo hehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha salamat, pag tinatawag talaga akong sir feeling ko ang tanda ko lol :P bata pa ako *promise* :)

      Burahin
  4. sobrang nakarelate ako sa haggard haggard na yan. kahit gaano ka pa kabilis magwork kinabukasan meron na naman! ikaw na ang ulirang guro sir!

    TumugonBurahin
  5. happy anniversary po .. di ako haggarad fresh na fresh ako!

    TumugonBurahin
  6. Happy 1st anniversary po! Ayokong isipin ang stress at haggardness.. Mag-unwind ka paminsan minsan Ser para maging fresh ulet..

    TumugonBurahin
  7. congee 1 year n pla blog mo...gusto ko hitsura ng blog mo malinis...

    TumugonBurahin
  8. Happy anniversary. Haggard ba? Eh isulat ko kaya schedule ko. Siya ikaw na ang nagwagi kasi nakakatulog pa ako ng walong oras araw araw. Hinay lang, ingatan ang kalusugan, mas mahirap magkasakit.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tsk' buti ka pa nakakatulog pa ng walong oras' grabe ako 'gang 3 hours lang pinaka marami... pahingi ako haha :)

      Burahin
  9. wow blue naman ngaun dati green.. hapi 1st sa blog..ako rin malapit na magfirst :)
    relate ako sa haggard and busyness mo..ramdam ko rin yan this past few days eh...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. so hindi lang pala ako ang nag-iisang haggard ngayon sa mundo :) more power sa 'tin :)

      Burahin
  10. One year na pala baby mo. Congrats!

    I think i have chosen to become a perpetual masochist para kung ano mang klaseng exploitation ang gawin sa trabaho ko eh sisigaw na lang ako ng "Sige pa please lang! Sigawan niyo pa ako hanggang maging tanga ako, oh yeah! Overtime overtime! Come on baby! Do that to me, more work less pay, yeah!". Parang ganon lang. So nawalan na ako ng gana magreklamo sa buhay. Well, I'm almost there at that point. May maririnig pa rin na konting reklamo. LECHENG BUHAY! hahaha!

    Buti na lang no may blog tayo. May outlet. Hindi naman kasi puedeng sumagot sa superiors, ngayon na malapit na matapos ang contract ko, that's why I'm kissing asses harder than usual. Hindi naman puedeng ibuhos ang galit sa iba, that's not civil. Kaya we have our fellow bloggers and our blogs.

    And hopefully may maidulot ding financial boom and productivity ang mga blogs sa atin, or better manalo nawa tayo sa lotto para mabawasan ang mga reklamo natin sa buhay at makapagbakasyon ng todo todo to the highest level!

    By the way, maganda ba libro ni Tado? Or is it just another book with a Bob-Ong-esque flavour? (may flavor talaga?)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ang bilis nga ng panahon, 'a part of me' ay 1 year na pala :)

      parang di ko kayang maging masochist... kasing pag sobrang pagod na ako, reklamo talaga ako to da max'

      masaya rin talaga ang may blog, kasi you can view things at a different angle kapag nagsusulat ka :)

      tama! magdilang anghel ka sana :) sana hindi lang 'outlet' or 'escape-goat-thing' ang ating blog mula sa harsh reality :) sana kumita rin lol *pera na naman*

      actually, di ko pa rin nabubuklat yung libro na yun, wala pa rin akong time lol :) well, i think it's also a 'bob-ong-genre' book, well, let's see pag nabasa ko na, i'll try to make a review :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento