An Apple a Day from Steve Jobs
"Your time is limited, so don't waste it living someone else's life. Don't be trapped by dogma - which is living with the results of other people's thinking. Don't let the noise of others' opinions drown out your own inner voice. And most important, have the courage to follow your heart and intuition."
x-o-x-o-x
Dear Charot: I Really Wonder A Lot
Nakakatuwang isipin na minsan ka lang mabubuhay sa mundong 'to. Na yung mga naranasan mo kahapon ay di na maaari pang maulit muli... uhm,oo... pwedeng maulit pero di na katulad nung dati o kahapon.
Kaya nga minsan naisip ko, matatakot ka pa bang gawin ang mga bagay na nais mo kung isang buhay lang ang meron ka at 'pag natigok ka sa mundong 'to- wala na... the end na... walang part two.
Ang galing din na parang bigla na lang sumulpot ang 'buhay' sa sansinukob. Yung biglang namulat na lang ang mga tao na narito na pala tayo sa mundo na kahit sino pang pinakamatalinong siyentipikong nabubuhay ngayon ay hindi maipaliliwanag kung saan nagmula ang 'buhay'... na sa ngayon para bang tanging bibliya lamang ang maaaring paniwalaan- na kinukwestiyon din naman lol :)
At hindi ko rin maisip kung bakit tuwing Linggo ay tamad na tamad akong gawin ang mga dapat kong gawin haha :) Ito yung ilan sa nakaka-bwiset na moment sa buhay. Yung tipong gagawa ka na, pero ang totoo iba talaga ang iyong ginagawa... tsk'
Ewan. Basta ganun lang. Lagi ko kasing iniisip na sa araw na 'to dapat hindi lang ako nandito sa bahay, na dapat hindi lang ang pagtuturo ang binibigyan ko ng aking oras, na dapat marami akong taong nakakausap bukod sa sarili ko, na dapat hindi laging ganito... yun lang.
I wonder... kung bukas ba ay 'big break' ko na :)
I wonder... kung uunlad na ba ang Pilipinas lol
I wonder... kung gaganda na ba ang edukasyon sa Pilipinas
I wonder... kung makakapag salita na ba ang mga halaman :)
I wonder... kung bukas ay papaluin na ako ni Papa Jesus dahil pasaway ako lol
I wonder... kung natutupad din ba ang mga moments sa pelikula :)
I wonder... kung dilaw pa rin ba ang kulay ng 'sunshine'
I wonder... kung super bida na pala ako ng mundo
I wonder... kung may papansin sa mga kabaliwan ko
I wonder... kung mapapadpad ba ako sa maraming places sa mundo
I wonder... kung matutupad din ba ang pagkakapantay-pantay
I wonder... kung pwede bang maging super natural
I wonder... kung ang ginagawa ko ba ay may patutunguhan tungo sa kaunlaran lol :)
I wonder... *nainis lang ako* puro I wonder.
hahahaaha .. ikaen mo na lng yan ... nakakalutang yan mga gnyang moments na puro i wonder hahahaah
TumugonBurahintama, lutang na lutang talaga ako ngayon
BurahinI wonder... kung araw-araw, haggard palagi, walang pahinga. -_- Lol.
TumugonBurahinkung magkaganun... nganga :) lol
BurahinMga wonder kids talaga tayo. Hahahah!
TumugonBurahinAnyway, ganyan din ako noon. Well, ganyan din ako minsan kahit ngayon. Pero one way to let it all out of your head is to set short-term goals so you can focus on something that is not stressing.
It could be anything. Learn a skill. Read a book. Train a dog to become a samurai. Anything. And besides we have blogspot. Di ba?
Every now and then we really need a break from our daily working routine. Otherwise masisiraan tayo ng bait. Ang kawawa diyan eh yung mga students mo.
Minsan iniisip ko din kung kelan dadating ang big break. Sa trabaho? Well, wag na lang. The more ang promotion the more na nakaka break ng utak. Pero the big break wouldn't come if don't make a drastic choice to pursue a hobby or a passion.
As of now, nagiisip akong umattend sa isang creative writing course kahit hindi ako creative at maraming grammatical error. But it's something and better than nothing. May kaunting bayad pero investment naman yun, at magugustuhan ko pa.
Make a choice! Now na!
thanks for the advice :)
Burahinsiguro marami lang talaga akong gustong gawin that even a lifetime will not be enough for me to accomplish it all *wow*
minsan masaya rin naman magmuni muni kaya kakafrustrate hahaha...
TumugonBurahinkaya nga eh, nakaka-frustrate nag-isip tsk'
BurahinHindi na "I wonder" kung may papansin sa kabaliwan mo dahil mukhang marami naman kaming pumansin..
TumugonBurahinKaya nga ine-enjoy ko na ang buhay ko ngayon, dahil alam kong I can never turn back time, hehe..
i agree! :) minsan lang mabuhay kaya mabuhay nang mabuti :)
Burahin