Buhay nga naman...
Tuwing may pasok, super gipit sa oras. Di nga kami nagmi-make up class tuwing saturday pero extended ng 1 hour and 20 minutes ang aming schedule. Kaya from Monday to Friday, 6:50am hanggang 5:20pm ang pasok namin...
Daig pa office hours di ba? Kaya pag-uwi, ayun super pagod na, tapos kailangan pa rin gumawa para bukas. Kaya literal na walang pahinga at tigil ang paggawa.
Hay... buhay nga naman.
Anu nga ba ang tunay na kahulugan ng buhay at ng mabuhay? *bukod sa pagiging busy*
Minsan ang sarap lang umabsent... *sobra lol*
x-o-x-o-x
KWENTO KWENTO RIN :)
Hangsaya rin pala maging coach. Nitong nakaraan nagkaroon ako ng chance maging coach ng ilalaban namin sa science quiz bee for BULPRISA. Ayun, 'lam mo yung kahit nasa klase ka iniisip mo na magkaroon ng time na mareview mo ang iyong contestant, parang 'protege' lang haha, feeling mentor talaga. Nakaka-excite din palang hintayin yung result habang nandun ka sa contest... Ayun, di man kami pinalad na manalo, oks lang din, yung experience nung ilang weeks na naghahanda ka for the contest ay masaya na rin para sa akin... 'cause in some ways (english lol) nagbigay na rin sa akin yun ng 'personal growth' *parang ganun*
Sana makapag-train ulit ako :) At next time mananalo na kami :) *not bad na rin for a first-timer and a young coach like me* (talagang dapat may "young' lol)
Hangsaya lang din na makasama yung ibang mga coaches from different schools, yung tipong halos lahat sila magkakilala na dahil taun-taon naman silang nagkikita tapus heto ako sa kanilang mata- "bago" sa paningin ika nga. Yung feeling na 'nahiya' ako kasi 'batikan' na sila samantalang ako umi-XP pa lang :) And I know magiging magaling din ako or mas magaling pa sa kanila hahahaha *feeling lang naman* :)
BEST IN PARTICIPATION: SUKI NG MGA PA-CONTEST
Hindi ko tuloy maiwasan na maalala ang pagiging suki ko sa pagsali sa kung anu-anong pa-contest sa school or minsan sa labas din ng school :) Mapa poster-making, slogan, essay writing, spelling, poem recital, kahit anu basta quiz bee, journalism etc, kahit anu pa yan, isa ako sa "best in participation" diyan :)
Ang sarap lang kasi ng feeling pag nananalo pero syempre di naman lahat ng sinalihan ko ay panalo, ganun talaga eh. Naging parte lang talaga ng pagiging estudyante ko ang pagsali sa mga contest na yan. At sa lahat ng yun, dalawa lang ang naiyak ako hahaha :)
Una, ay nung grade five. Nang mabigo ako na maging representative ng aming section for the spelling bee. Alam mo yung pinaglabanan ng buong klase yung 'spot' na yun, hanggang sa ma-eliminate na lahat ng mga honor students at ako at ang kaibigan ko na lang ang natitira sa final round :) Tapus ang ending bigo pa ako dahil sa iisang word na naging mali ko matapos ang ilang round! Di ko talaga makakalimutan ang word na "prophet" na nai-spell ko as "profit". Nakakainis lang dahil namali ako ng dinig. Kasalanan talaga yun ng english teacher namin, mali siya ng pagkabigkas lol :) Gayunpaman, masaya na rin ako nung araw na yun, dahil kaibigan ko naman yung nanalo... pero wag ka, nung pagtingin ko sa papel ko nun ay basang-basa na ng luha ko hahaha :)
Tapus, akala ko di na mauulit yun. Yung tipong 'immune' na ako na minsan panalo at minsan talo. Sa dinami-rami ng sinalihan ko mula grade school hanggang high school, di ko alam na mauulit pa pala yun kung kelan malaki na ako hahaha.
Yung pangalawa at ang huli ay naganap nung huling taon ko rin sa kolehiyo :) *kakahiya haha* Mula kasi first year college ay sinalihan ko na yun at ang sarap lang nung feeling nung unang pagsali ko dahil umabot ako hanggang semi-finals sa kabila ng yung ibang kalaban ko ay ahead na sa kin. Kaya yun nawili ako hanggang third year sumali ako... pero lagi lang akong nasa semi-finals...
Hanggang nung fourth year, dun na talaga ako nag-effort para makapasok na rin sa final round at kung sakali ay makakuha rin ng place or mag-champion para ma-represent ko ang school namin, eh kasi naman taon taon na akong contestant 'waley' pa rin napala. Yun nga lang, ang ending nung ika-apat na taon ko na pagsali ay hanggang sa semi-finals pa rin :) Dun na talaga ako naiyak hahaha :) Tapus yung tipong yung mga kaklase ko na dati ay naaalis agad sa elimination round, sila pa yung naka-experience sa finals lol. Yun lang.
Not meant to be lang talaga para sa akin.
Eh anu bang contest yun at kung bakit gusto kong manalo?
General Information Quiz Bee yun. Pag ikaw ang nanalo, ilalaban ka for the National Quiz Bee. Yung napapanood sa channel 23 :) Lagi ko talagang inaabangan yun. Kaya ginusto kong manalo para makita sa tv haha. Sayang di natupad. Sarap pa naman ng feeling at once in a lifetime experience din pag talagang naka-abot ka sa grand finals, yung tipong lalabanan mo lahat ng champion mula sa iba't ibang rehiyon sa Pilipinas. Astig lang di ba.
Pero di na yun mangyayari pa, dahil di na ako estudyante :) Ngayon, dahil naka-experience na akong maging coach masarap din pala ang feeling kung makakapag-train ka ng isang champion :) Kaka-excite! :)
Yun lamang, 'kaw anung dalawang bagay ang iniyakan mo? *bukod sa leche flan na pag-ibig* :)
ako kontesera din ako ...
TumugonBurahinmag-absent ka at magpahinga ;0 oks lng yan
sana nga ganun, kaso pag umabsent ako walang papalit tsk'
Burahin- Kung pwede lang po umabsent eh, aabsent na ko. (Sayang attendance, tulad nung last week, half lang ng section namin ang pumasok)
TumugonBurahin- Congrats sa inyo sir, ok lang kahit talo, at least may experience. :)
- Sir, may kilala po ba kayo na taga-"Prophet" Jeremiah? (wala lang, hehehe) :P
-haha dapat umabsent ka na lang talaga nung wednesday at thursday, pero oks lang din naman kahit pumasok para may magawa
Burahin-salamat, yaan mo next time 'career level' na ibibigay namin :)
-oo na, alam ko na ang kaibahan ng 'prophet' sa 'profit' :)
never ako nakasali sa ganyn takot ako di din nmn ako ganung katalino
TumugonBurahinhaha goodlusk sa mga trainees mo alam ko maguguide mo sila ng tma
sabi nga eh 'lakasan' lang ng loob ang pagsali haha :)
Burahinkumusta naman ang 11 hours na trabaho?sulit naman ba?hehe.. sa tingin ko kasalanan nga talaga ng teacher mo yun eh mali ang pagbigkas nya sa "prophet"..
TumugonBurahinwala na ata akong ibang iniyakan kundi ang leche flan na pag-ibig lols
haynaku! kulang na nga lang tumira na ako sa skul eh tsk' tapus di pa sulit *i swear* lol
Burahinang pag-ibig talaga... leche... flan :)
Wala din ako maisip na ibang iniyakan bukod sa leche flan na pag-ibig..
TumugonBurahinNun bata pa ko (bata pa talaga?hehe) sumasali din ako sa kung anu-anong quiz bees at press con.. Ansaya pag nanalo, dinaya pag natalo, charot!
Pangarap mo talaga ang magka-exposure sa tv no? hahaha
haha oo gusto ko magkaroon ng exposure sa tv, or sa isang indie film *ambitious* wala lang, sayang ang buhay, malay mo naman may chance lol :)
Burahinnaaliw ako dito ah... wala din ako maisip na posibleng iyakan ko bukod sa leche flan na pagibig hehehe
TumugonBurahinsiguro pag nasa loob ako ng church un baka mapapaiyak ako hehehe
Enjoy din sumali sa mga activities o contest... masaya pag nananalo.... masaya din kung ikaw ang coach lalo na pag panalo ang manok mo hehehe
sana talaga ma-experience ko next school year ang panalo :) hangsaya nun :)
Burahin