Lumaktaw sa pangunahing content

"Boyfriend mo 23?”


Ika-16 ng Agosto, 2014
Sabado, 9:32 ng gabi


            Gusto ko mang magpahaba ng buhok, hindi naman pwede. Una, dahil sa trabaho… pangalawa, hindi naman bagay dahil ang ayos-ayos ng buhok kong wavy. At ang matinde nagkaka-alopecia pa ako kaya ayoko rin ng sobrang ikli kasi makikita naman yung bald spot ko hahaha. Badtrip!

            Kawawa naman si Aling Dionisia… nung binalita sa tv na may boyfriend siya, nagngangalit ang reaksyon ng isang matandang lalaki na may ari ng pagupitan kung saan ako nagpagupit kanina. Nag-agree pa ang babaeng nagpapaunat ng buhok sa kaliwa ko; ang bata naman daw ng bf ni Aling Dionisia, “…porty!”

            Napa-react din tuloy ang naggugupit sa akin, pero kampi siya kay Mommy D…

            “Eh anong gusto mong kunin niyang bf, 65 din tulad niya? Ano makukuha niya dun? Ako nga boyfriend ko 23!”, pagmamalaki ni Goldilocks (hahaha di ko alam ang pangalan niya, eh bilang dilaw ang kanyang buhok kaya Goldilocks na lang).

            “@#$%^&* mo! Boyfriend mo 23?”, pagkwestyun ng bitter na may-ari ng pagupitan… wala sigurong lovelife tulad ko hahaha.

            “Ganun talaga, ‘pag may pera nilalanggam!”, pagtatanggol ni Goldilocks sa sarili. Nagmamatamis.

            Nang magsaboy pala ng lovelife ang Diyos, nakasalo (o nakiagaw?) si Goldilocks at Mommy D ng isa! Sige kayo na! Hahaha. Dahil ang daming kwento at reaksyon ni Goldilocks sa mga binabalita sa tv, inaantok na talaga ako habang ginugupitan niya ako.

            At nung makita niya yung bald spot ko –

            “Ay oh stress! Stress ka sa work ‘no? Di bale babalik din yan. Ano yan eh, ang tawag d’yan AL-PA-SYA, ay hindi ano pala ALS-PE-SYA.”, salamat kay Goldilocks at ibinunyag niya sa buong paligid ang bald spot ko lols.

            “…alopecia po.”, pagtatama ko. Ang bait ko.


Mga Komento

  1. bait mo?!? mas mabait sya dahil sinabi nya ang totoo :-P

    P.S. buti naman nagpagupit ka na..para di ka na magmukhang alam mo na..ayoko ng ituloy pa...ehem peace jepbuendia :)

    TumugonBurahin
  2. Try mo yung 'Novuhair' ba yun? Yung ine-endorse ni Ricky Reyes. :)
    Mahal kasi ang treatment sa 'Svenson'. Pang-artista ata...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. naisip ko nga rin yan eh :)
      mukhang mahal din, pagnagka-budget hehehe...

      Burahin
  3. hahahaha... Reminds me of someone na may al-pas-ya... Lels...
    Wag masyado pa-stress :D :D Humanap na ng lovelife :) Hihihihi

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kailan kaya niya ako makikita? hahaha
      ako pa ba ang hinahanap ng lovelife? lols...

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...