Lumaktaw sa pangunahing content

Puno ng dalamhati ang araw na ito. #SAF44


Ika-29 ng Enero, 2015
Huwebes, 7:52 ng gabi


            Ang paniniwala
            At pananampalataya

            Ay hindi basehan
            Para pumatay ng kapwa.

            Ang pagkitil ng buhay
            Ay hindi isang patunay

            Ng paniniwala
            At pananampalataya.


x-o-x-o-x


            Nakalulungkot naman ang nangyari sa Mamasapano.
            Nakaka-disappoint na hindi man lang nakadalo si Pnoy sa arrival honors ng mga nasawing miyembro ng PNP-SAF. #NasaanAngPangulo


Mga Komento

  1. Ipagdasal na lang natin ang mga nasawi at ang mga buhay pa. God bless their souls.

    TumugonBurahin
  2. Nakita ko sa Newsfeed sa fb ko ang pictures ng mga pinaslang na biktima. Grabe, kalunos-lunos nga ang kanilang sinapit. Let’s just pray for them.

    TumugonBurahin
  3. Nakakalungkot talaga at kahangahanga rin ang pagnanais nilang madakip yung salot ng lipunan kahit buhay ang kabayaran.. sana nga marami pang katulad nila...

    TumugonBurahin
  4. dahil ang regional office ng SAF ay malapit sa akin nagtrapik ng malala sa amin dahil kahit na hindi kamaganak ng mga fallen heroes nakiramay at gusto nilang iparating sa family ng mga nasawi ang kanilang pakikiramay.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...