ALAALA


Ika-15 ng Enero, 2015
Huwebes, 3:48 ng hapon


            Lumilipas ang mga alaala.
            Naglalaho.
Nabubura.

Tulad ng isang ideya,
Habang tumatagal
Ay di na maipipinta.

Mayroon din naman

Mga alaalang di kumukupas.
Nagtatagal.
Di napapagal.

Tulad ng sa pag-ibig,
Malambing na tinig.
Walang wakas na himig.

            Dumaan man ang panahon

Isip man ay makalimot,
May mga alaalang sa puso'y
Nanunuot.


            “Alaala”
            ( Ang inspirasyon sa pagsulat ay mula sa blogpost na “RIP Tatay Herb” ni Hi! I’m Lili!)

Mga Komento

  1. Ang galing naman, hindi lamang sa science ah, pati sa Filipino. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Salamat sir Jonathan :) Paborito ko rin ang subject na Filipino :)

      Burahin
  2. Gustong-gusto ko ‘to, lalo na sa part na may pag-ibig. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Pansin ko nga eh laging patungkol sa 'pag-ibig' ang mga recent posts mo :)

      Burahin
    2. Siyempre para maiba naman. Buti nga ‘yun at least somehow meron na ring katuturan ang blogelya ko. He he.

      Burahin
    3. Lahat ng nanggagaling sa puso ay may katuturan...
      ...tulad na lang ng ating mga blog :)

      #hugot

      Burahin
  3. Hugotmuch Cher Jep! Pero pak na pak!!! Antagal kong di nakabisita dito, but now I am back :D :D :D

    TumugonBurahin
  4. Mga Tugon
    1. Humuhugot na hindi naman base sa sariling karanasan,
      isang "zero-lablayp-na-nilalang" hahaha :)

      ty! :)

      Burahin
  5. Galing ng mga tula mo. Looking forward to read more.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento