Lumaktaw sa pangunahing content

"...di lahat ng ‘taken’ na ay masaya."


Ika-05 ng Enero, 2015
Lunes, 2:45 ng hapon

Shrine of Our Lady of Grace - Caloocan.

            1. May panahon para ayusin ang mga bagay sa buhay mo.
            2. You only live once… be happy! You deserve to be the best!
            3. Kung may nakikita kang kulang sa buhay mo, aksyunan mo agad ito.
            4. Ang relasyon ay pinagtitibay, hindi pinagsasabay-sabay.
            5. Move on!

            Kahapon… araw ng linggo.       

Nagbalik ako sa simbahan kung saan pinakauna akong nakapagsimba. Maraming nagbalik na alaala. Ganoon pa rin ang itsura. Matagal-tagal na rin mula noong huli akong pumunta sa simbahan. Limang bagay ang aking natutunan…

            Animo’y base sa sarili kong karanasan ang mga napulot na aral.
            Maliban lamang sa pang-apat… Di bale na…
            Sabi naman ni father, di lahat ng ‘taken’ na ay masaya. Hahaha.
           
            Isa akong ampalaya. Lol.


Mga Komento

  1. Mga Tugon
    1. Ang pinakagusto ko pong gawin ay ang pagmu-move on :)

      Burahin
  2. One thing's for sure, kapag nagkaboyfriend nako ma mimiss ko ang pagiging single. Pramis. Hahaha!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hahaha :) Eh di maging single na lang for life para hindi mo ma-miss :)

      Burahin
  3. Chrue!… at hindi lahat ng single ay malungkot. Depende ’yan sa pamantayan ng tao.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Pero meron din talagang single na malungkot hahaha :)
      Pero, di bale na talaga lols.

      Burahin
    2. Parang ako ‘yang tinutukoy mo. Haha.

      Burahin
    3. Wag kang mag-alala... marami pang iba :)
      Mahahanap din natin ang ligaya lols.

      Burahin
  4. Sang-ayon ako sa lahat. Agree ako kay father. Ang daming taken sa Facebook friends ko na grabe maka status na di sila masaya sa lablayp nila. I hide these people from my news feed. hehehe

    TumugonBurahin
  5. hmmm. True :) boom.

    TumugonBurahin
  6. hahaha.. kala ko ikaw yung di na masaya.. hahaha

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...