Lumaktaw sa pangunahing content

Exciting din pala ang magkaroon ng electric fan.


Ika-02 ng Hulyo, 2015
Huwebes, 7:08 ng gabi


            First time kong ma-excite para sa balita na kahit paano ay naayos na raw ang dalawang electric fan sa room namin, ayon sa text ng ka-partner kong adviser sa room na panghapon, kani-kanina lang. Okay lang kahit kami pa muna ang magpaluwal sa gastos, walang-wala yun sa pakiramdam na excited na akong makita ang advisory class ko bukas na nag-aaral nang may electric fan J Hindi rin kaya biro ang isang buwan na magklase sa loob ng room na halos lahat kami ay nagmumukhang ‘hot’ lol.

            Kaya sana bukas, totoo! Hay… dahil kung hindi, hotness never ends na talaga.



Mga Komento

  1. ser Jep, wala bang budget ang DepEd para sa mga ganyang bagay?
    kawawa yung mga kids pati kayong mga guro kase sa bulsa nyo galing yung gastos lol

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. May budget naman ata... pero di kasi kami makapaghihintay forever :)

      Burahin
  2. Ok lang kasi magbabayad sila kapag pirmahan ng clearance.. Ang alam ko may budget from DepEd for classrooms and the local government have allocations or Special Education Funds na pwedeng gamitin sa mga infrastructures na ganito.

    Sir Jep, let me know if you need anything else in your room, I'll be glad to be of help kahit konti lang :) :) :)

    I remember I tell my kids, "Bawal gumalaw, Papawisan." Tapos maglalaro kami ng 1-2-3 Freeze! Hihihi

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Yun nga cher Kat eh, kaso ako mismo nahihiya maningil sa mga students. Kasi alam mo naman ang kalagayan ng iba.

      At sana lang talaga pinag-uukulan din ng panahon at budget ang mga bagay na ganito. Kaya hangga't kaya, gagawan na lang ng paraan, at nagiging usual na ata itong kwento sa mga pampublikong paaralan.

      Burahin
  3. Usong uso yan sa mga buwan na ito. Yung sariling pera ang pinapaluwal para mapagawa ang dapat e parte ng MOOE (Maintenance and Other Operating Expenses).

    TumugonBurahin
  4. naku po, kaya lang tag ulan na! umuulan ang weekend, ganun pa man, at least uminit man sir, may electric fan na ang class! yehey! :)

    TumugonBurahin
  5. Dios mio que horror! Ang hirap non grabe! Summer na dito at natutulog ako sa sahig para lang makaramdam ng lamig. IT's so hot wala na rin ako gana magparaos. Suskopo!!!!

    Buti ka pa may electric fan na!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hahaha :)
      Ano ba naman ang electric fan sa aircon mo Mr. T :)

      Burahin
    2. Hindi uso A/C eh... anyway nakakuha nako ng maliit na electric fan!!!! Yehey!!!!!

      Burahin
    3. Mabuti naman :)

      Masaya na rin sa klasrum namin, kasi tatlo na yung gumagana na electric fan, kaya di na ganuon kainit (kumpara dati hehehe).

      Burahin
  6. kalurks. giraffeeeee kaya mag-aral aralan 'pg majiniffer. kawawa naman ang mga bagetsina, 'sir.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. trulalu! hehehe :)
      wag kang mag-alala, may tatlong electric fan na kami ngayon sa room :)
      and it is still mainit, amazing isn't it? lols.

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...