Lumaktaw sa pangunahing content

"Which is which? Who is who?"


            I WONDER. Ano kaya ang pag-uusapan nila Pastor Apollo Quiboloy at ni Vissarion kung sakaling mag-meet silang dalawa?... Papatotohanan o papasubalian ba nila ang isa?...

            Si Pastor Apollo Carreon Quiboloy ay ang founder at leader ng  Kingdom of Jesus Christ na kinikilala ang sarili bilang ang Appointed Son of God. Taga Davao, Pilipinas.

            Si Sergey Anatolyevitch Torop o mas kilala bilang si Vissarion ay ang founder at leader naman ng Church of the Last Testament, siya naman umano ang reincarnation ni Hesus. Taga Siberia, Russia.

            Parehong mabigat na titulo ang kini-claim nila para sa kanilang mga sarili. Magkapareho ba sila ng ‘Diyos’ na pinagsisilbihan? O iisa rin bang ‘Diyos’ ang nag-appoint or nag-reincarnate sa kanila?

            Nakamamangha kung paano sila nagkaroon ng mga tagasunod. Ano bang meron? Ano bang espesyal sa kanila? Bakit sila? Hindi ba’t ang ilang mga disipulo at santo ay dati rin namang masasamang tao, kung gayun, bakit hindi ang pinakamasasama o pinakamabuting tao ngayon sa mundo? Halimbawa, pwede namang isa sa mga lider ng Abu Sayyaf sa Mindanao, o ilang mga teroristang ISIS. O kaya naman ay ang Santo Papa ng Vatican o kaya ay si Cardinal Tagle o iba pang mga religious leaders.

            At dapat ba ay isa lang? Hindi ba pwedeng marami?

Hindi ko naman pwedeng sabihin na baka hindi nakapag-isip ang mga taong umanib sa kanila, mahirap din magparatang ng brainwash. Ano ba naman ang alam ko sa kabutihang dulot ng kanilang ‘church’ sa kanilang mga kaanib, o kung may alam man ako, hindi ko pa rin naman mauunawaan nang lubos.

Ilang libong taon na ang lumipas, may isang Messiah ang isinilang sa bayan ng Bethlehem, Israel. Posible kaya na nung panahon na iyon, ay meron ding kinikilalang Messiah sa lupain ng Pilipinas (o kung ano pa man ang katawagan sa bansa natin noon)? Hindi kaya nag-fail lang ang mga ‘unang tao’ sa pagtatala ng kasaysayan nito na dapat sana ngayon ay naisalibro na maaaring naipamahagi sana natin at naituro sa maraming parte ng mundo.

Hmmm...


Mga Komento

  1. Magandang tanong yang ano ba ang meron sila na marami sumusunod sa kanila.

    TumugonBurahin
  2. Oo nga medyo masakit sa gums lolz

    TumugonBurahin
  3. It's because of the flaws of human nature. False teachers and dubious prophets would appeal to your flawed human nature. and most of the time, people who follow them are those who have lost their trust in those people who actually preach the truth.

    It has been prophesied by the Scriptures- mere men would stand up and claim themselves saviors and many will follow.

    Para na din ako yung mga apocalyptic epals. Anyway isang bagay na masasabi ko ay may sa demonyo si Quiboloy. He prophesied Arroyo would become president again. And Arroyo was one heck of a bitch from hell. Quiboloy prophesies only evil. What a logic no? hahaha!

    TumugonBurahin
  4. Para sa akin, malalim na usapin ang tungkol sa relihiyon.
    May kanya-kanya kase tayo ng pinaniniwalaan eh.
    Endless ang usapin tungkol jan :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Tama ka Fiel.
      Gusto kong nakikinig sa mga ganitong usapan at palitan ng ideya.
      Nakaka-amaze hehehe.

      Burahin
  5. Malapit na siguro ang end of the world kasi marami nang naglabasang mga false prophets. And people do believe because they are either blinded by their faith or that the false messiahs are truly deceiving as they are the acts of the devil. Promise people something really good and they become your follower.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Makikita na ba natin ang Tagapagligtas?
      Parang nakaka-excite din ang tagpong ito :)

      Burahin
  6. It's the end times. Nung bata pa ako at una kong nalaman ang mga ganitong bagay, I was scared. Sa ngayon, I still am, but I feel a bit at peace now. Wala rin namang makakapigil sa mga bagay na dapat mangyari.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ako naman, lagi kong iniisip nung bata pa ako if sa generation ba natin mangyayari yung mga sinasabi sa Bible, lalo na yung tungkol sa Book of Revelation.

      Burahin
  7. Sabi nga, Saints have past and sinners have future... Narinig ko lang somewhere at gusto kong i-mention dito sa post mo. Tanong ko rin mga tanong mo! Sakit sa bangs! hayst!

    TumugonBurahin
  8. Shet ayoko ng mga ganitong usapan... may kalaliman nalulunod ako!!!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sabi nga sa Muro-Ami, "Langoy! Langoy! Langoy!"
      (kung tama ang aking alaala lols)...

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...