Summer ng taong 1853. Saratoga
Springs, New York.
Isang
guest ng Moon Lake Lodge restaurant ay hindi nagustuhan ang inorder nyang
French fries; aniya masyadong makapal ang pagkakahiwa ng mga patatas. Kaya
itong si chef George Crum ay nag-cram (mai-rhyme lang haha) na gumawa ng
panibago para sa nagreklamo na guest na itatago natin sa walang pangalan.
Ngunit, sa kabila ng effort ni Crum na magprito ng patatas sa mas maninipis na
hiwa, tinanggihan pa rin ito ng dinner guest nila. Sa imbyerna ni Crum, mas pinanipis
pa niya ang hiwa at napalutong ang kanyang pagkakaprito. Nung nai-serve na ito
sa echoserang guest nila, aba nagustuhan! At dahil likas na insekyora ang mga
tao sa paligid, umorder din sila ng ganuon kay Crum (kaya nag-cram na talaga
siya nung time na yun lol).
Mula
noon ay naging popular na ang Crum’s Saratoga chips, na mas kilala at ini-enjoy
na natin ngayon bilang potato chips!
Na
bukod kay Herman Lay (ng Lay’s) at ng marami pang iba, ang Ligo ngayon ay may
potato chips na rin. Ignorante lang siguro ako kasi, sardines lang ang alam
kong Ligo lol.
Ang
alamat ng potato chips! Bow! *clap *clap
*clap
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento