"Siguro nga ay tama si Morrie."


                Siguro nga ay tama si Morrie.

                Hindi naman talaga titigil ang mundo para sa kahit na ano pa mang pinagdaraanan o nangyayari sa’yo. Kahalintulad nang malaman ni Morrie ang kanyang sakit. Malalang uri ng sakit.

                Hindi naman titigil sa kani-kaniyang buhay ang mga tao para lang sa kanya… sa’yo at pati na rin sa akin. Iinog pa rin ang lahat nang normal. Tuloy lang ang buhay.

                Sabado noon; lunes ay ang pagbubukas ng school year 2016-2017. Hindi ko naman mauusog ang pasukan kahit pa nagbabantay ako sa ospital noong mga panahon na iyon. Tuloy pa rin ang pasok kahit pagod, medyo puyat at may kaunting emotional stress. Haharap pa rin ako sa unang araw ng klase.

                Na noong Christmas party naming magkakaibigan ay nakita kong nakakatawa pa rin naman si Ma’am A kahit pa halos buong araw niya kailangang bantayan ang may sakit niyang ama. Magsasaya pa rin ang lahat sa aming Christmas party. Kahit saglit, makakatawa rin si Ma’am A sa kabila ng kanyang problema. Ganun din si B…

                Minsan, napakahusay nating magdala ng problema. Idinadaan sa tawa. Ikinukubli sa ngiti.

                Kasalukuyan kong binabasa ang Tuesdays with Morrie (sa e-book). Madalas ay binabasa ko ito tuwing break ko sa klase; minsan habang nasa byahe.

                Isa sa mga paborito kong nabasang linya –

                “So many people walk around with a meaningless life. They seem half-sleep, even when they’re busy doing things they think are important. This is because they’re chasing the wrong things.”

                Kaya, ano nga ba ang mga dapat nating pinagkakaabalahan sa ating buhay?

                Anu-ano ba ang mga kinakailangang gawin upang magkaroon tayo ng purpose at meaningful life?

                I-comment below! (Linyang youtuber lang, lol).



Mga Komento

  1. Gusto ko tuloy ulit basahin yung libro... so baka wag na lang kasi na-overwhelm na ako sa sangkatutak na quotes at lessons na nababasa ko hahaha Pero lately, hindi na ako nagbabasa. Although wala naman ako evidence, feeling ko may effect din un sa akin. Happy 2017 Jep!

    PS Yung pinagkakaabalahan sa buhay... medyo mahirap sa sagutin pero at the end of the day, tayo din makakapagsabi nyan. Nasa atin na ang sagot, yun lang minsan... kahit tayo hirap na makita

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. yeah, sometimes kapag marami akong ginagawa, mas lalo kong tinatanong ang sarili kung ito ba talagang mga gawain na ito ang dahilan kung bakit ako nabuhay :)

      Burahin
  2. The world doesnt stop spinning while you are grieving... parang ganyang yung linya ni Mr. Morrie sa student nya....

    Purpose? Ang maging instrumento ng world peace? Hahaha.. I think, it will always be something connected to what one value the most.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. true! we do things that we value the most :)
      take care cher kat :)

      Burahin
  3. Unang tanong eh ano ba ang purpose of our living. Pag may sagot na, itanong mo ulit kung paano magiging purposeful and buhay. Bilang guro, ang purpose ng aking buhay ay mag-gabay ng mga batang mag-aaral. To make it purposeful, I do my best in making the children the best that they can be in facing the real world. Then my life becomes meaningful kasi nga may nagawa akong kabutihan sa aking pagiging guro. By doing so, I become happy. And being happy is the purpose of living. Magulo ba?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Magulo Cher Jo. Pakiayos. LOL. Belated Happy Birthday! I probably have to start dealing with the fact that I wont see as often as I could these days! But we will definitely travel in Japan!

      Burahin
    2. Na-gets ko naman ang kaguluhang ito cher Jo! :)

      At sana makapag-travel din ako sa Japan cher Kat! :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento