'pagpag'-kain


Nakagawian nang manuod ng kahit na anong dokyu tuwing new year’s eve.
Para lang hindi mainip habang naghihintay na maghating-gabi.

Ang napanuod ko ay dokyu tungkol sa mga mahihirap na pamilya na kumakain o nagbebenta ng ‘pagpag’. Mga parte lamang ng magkakaibang dokumentaryo ang napanuod ko; humigit-kumulang tig-sampung minuto. Magkakapareho ang paraan ng pagpo-proseso nila ng pagpag –

1. Kinukuha ang mga tirang pagkain mula sa mga itinapon na ng mga fast food o restaurant.
2. Pinipili ang mga tirang pagkain tulad halimbawa ng manok na may mga laman pang natitira.
3. Hinuhugasan ang mga naipong 'pagpag' at saka ito pinakukuluan.
4. Inilulutong muli ang mga napakuluang 'pagpag'.
5. Sa iba ay hindi lamang ito basta panglaman-tiyan; ibinibenta rin nila ito at pinagkakakitaan.

Ang pagkain ng ‘pagpag’ ay maaaring magdulot ng malnutrisyon at sakit (tulad ng pagtatae, pagsusuka, cholera at hepatitis). Ngunit nakalulungkot na dahil sa kahirapan ay napipilitan ang ilan sa ating kapwa na manguha, mag-proseso, kumain at magbenta ng ganitong uri ng pagkain.



Mga Komento