"Daig pa hangover sa inuman."


                Ipinagsangag kami ng kanin ng nanay ni Tina, at ipinagluto pa ng bagong huling alimango. Dapat sana ay paalis na kami noon ni Olan, pero ipinaghain pa kami ng almusal bago umalis.

                Tig-dalawang tasa ng kape, otap at chicharon. Yan ang pinagsaluhan namin sa magdamag na kwentuhan at panggugulo sa bahay nila Tina, mula pasado alas-dose ng hating gabi hanggang alas-singko ng umaga. Ang tatag naming tatlo; walang tulugan. Napag-kwentuhan na mga ‘ganap’ namin sa buong araw, at kung anu-ano pa wag lang matulugan.

                Nakita na lang namin na may dalang malaking alimango ang tatay ni Tina; kuha sa kanilang palaisdaan. Agad naman itong niluto ng nanay niya, at yun na nga nagsangag pa.

                Hindi na kami nakatanggi. Nang-abala na nga kami magdamag, ipinaghain pa kami ng almusal. Mabuti na lang, mababait ang pamilya nila Tina. Dahil kung sa iba, malamang naipagtulukan na kaming umuwi sa aming bahay.

                Nahiya ako kasabay nang na-appreciate namin ang pamilya nila Tina. Hindi namin naramdaman na nagambala namin sila sa biglaang pagpunta namin na yun (kahit pa ‘paggambala’ talaga ang ginawa namin); na-feel kong welcome kami kahit pa hindi na tama sa oras ang pagpunta at pagtambay namin sa kanila. Isang beses pa lang naman itong nangyari. At malay naman namin, baka maulit!

                Umuwi kaming maliwanag na. Putok na ang sikat ng araw. Naghugas naman ako, pero may kaunting amoy alimango pa rin ang mga daliri ko habang nasa byahe lol. Pero ‘oks’ lang, ‘sogbu’ naman. Ang sakit nga lang ng ulo ko nung araw na yun; baka epekto ng dalawang tasang kape, otap, chicharon tapus alimango sa almusal, dagdag pa ang walang tulugan! Daig pa hangover sa inuman.


2016.12.31



Mga Komento

  1. Wow alimango!

    Everytime na ang mga kaklase at mga kaibigan ng mga anak ko ay biglang pupunta sa amin for play at sleepover, I'm so happy. I like to meet the friends of my kids. Plus, I love to feed them too. Kaso lang napansin ko, mukhang nagustuhan ng mga kaibigan nila ang mga pagkaing handa ko. Hehehe. Kaya ayon balik ng balik sa bahay. Mukha ngang nadagdagan na sila. Parami ng parami. Hahahaha.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ang hirap po nyan, magastos.
      pero kung keri naman, why not :)

      may mga tahanan po talagang ganuon, yung napaka-welcoming ng dating, marahil ay ganuon po ang sa inyo :)

      Burahin
  2. Sarap naman ng ganyan. Pero hindi nako sasabak ng mga ganyang lafangan at puyatan. Tumanda na kasi ako. Blood pressure and heart condition issues... mga problema sa puso na walang kinalaman sa lovelife. Pweh! Hahaha!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. gusto mo ba ay mga problema sa puso na may kinalaman sa lovelife? :)
      at kawawa naman si universe sa inyong dalawa ni cyron hahaha!

      Burahin

Mag-post ng isang Komento